Tuesday, July 16, 2013

Random Student's Whim



Good morning.

Nagising ako ng maaga kasi pinag-pray ko iyon kasi may mga gagawin pa ako. Gagawa sana ako ng visual aid sa report sa Economics kaso wala pa akong pentel, kaya nagbasa muna ako ng libro ng ibang subject.

Kaso tinamad na ako.

Ewan, napipilitan lang kasi akong magbasa…

Sana yung mga propesor namin e maging propesor na sa sobrang galing e hindi na namin kakailanganin pa ang libro. Kaya niyang padaliin ang komplikadong mga teorya at paghanap ng sagot. At kaya niyang ipaliwanag ang bawat procedure na ginagawa niya sa paghanap ng sagot.

Na dapat naman talaga e ganto ang nangyayari. Kaso hindi. Nabuhay na ako sa kapaligirang nagsasabing ang college ay hindi dapat spoon-feeding, at nagbabayad lang kami ng tuition fee (optional ang pagsasama ng fee sa tuition) para lang magbasa ng libro…at sagutan dun yung mga problems. Ahy, dapat pala e maintindihan muna namin na para kaming mga propesyonal na nagre-review na lang, tsaka namin sasagutin. Tapos hindi na nila ituturo. Kasi nagbayad kami ng tuition para sabihin sa kanila na kaya naming intindihin sa loob ng isang magdamagang pagpupuyat ang pilit nilang iniintindi sa loob ng labinglibing taon. At hindi lang sila iisa. NAPAKARAMI NILA. Sa sobrang dami nila e gusto ko ng magblink sa gitna nila at mag-echo slam, para mabawasan sila o magulantang man lang.

Sana, bago sila maging professor e marunong silang magturo. Hindi yung pakiramdam ko e isa ako sa mga katrabaho nila at gagawin nila ang lahat para ma-demote ako. Hindi yung tipong nagbabayad ako sa kanila para lang graduhan nila ang kakayahan kong hindi naman nila pinagsumikapang maging aktibo, na dapat e ganoon ang ginagawa nila, kaso hindi nga raw spoon-feeding ang college, at nagbabayad lang talaga ako ng tuition para graduhan ang kakayahan kong hindi naman nila pinagsumikapang hanapin man lang.

Anyway, since ayokong maging bias (kahit gusto ko), subukan naman nating hanapin ang ground ng mga propesor na iyon sa pagtuturo gamit ang (quasi)quality teaching. Ito ang ilan sa mga sikat na dahilan ng mga propesor kung bakit ang tam… kung bakit ganoon ang paraan nila ng pagtuturo:

1.       Life is not spoon-fed. At dahil ang college ay pre-life, dapat hindi rin spoon-fed ang mga nasa college. At dapat kinakamay iyon para mas malasa.

2.       Take it as a challenge! Although sa ibang propesor ko ito narinig (at hindi directly sa injuring party), isa rin siguro ito sa iniisip ng mga iyon. Since life is full of challenges, dapat ang college ay ganoon din.

3.       Do you expect me to give you all? Dahil hindi spoon-fed ang buhay, dapat sila rin hindi. May nakasakbit nang ideya sa utak nila na dapat ay hindi nila ibigay ang lahat ng nalalaman nila, kasi nga hindi dapat spoon-fed ang college. O ewan, minsan kasi parang hindi lang talaga nila alam yung ituturo kaya pinauubaya na lang nila samin.

4.       Ganti-ganti rin ‘pag may time! Dahil siguro naranasan na nila iyon sa mga propesor nila dati, dapat iparanas din nila sa mga tinuturuan nila.

Kung iisipin, ayon sa source na kahit kailan ay hindi n’yo mapapasok, tatlo sa apat na binanggit ay nakatuon sa pagiging hindi spoon-feed ng college. Dahil iyon ay paghahanda sa kinabukasan namin. Kaso may problema. Hindi naman kasi dapat college profeesors ang magtuturo samin noon, dahil isa rin sila sa mga kasalukuyang naglalakbay sa oras. Kala mo kung sino silang maalam sa paraan ng pamamalakad ng buhay e hindi naman sila ang nagpapaikot sa mundo. Wala pa sila ay nandyan na ang buhay, at kasama nila ang buhay sa pamumuhay nila. At kahit mamatay sila ay mananatili pa rin ang buhay. Kumbaga e may identity crisis ang maraming college profeesors. Dahil ang tanging nauna lang sa buhay, nanatili hanggang ngayon, at alam ang magiging takbo ng buhay sa kinabukasan ang tanging may karapatang magturo kung paano ang buhay ay tumatakbo sa saliw ng oras.

Ang gawain ng mga propesor na iyon ang sumasalamin sa makitid na utak ng tao na pilit niyang binuo dahil sa sariling kapusukan. Life is not spoon-fed. Life is a challenge. Kung isang tao ang “life” na iyon, siguradong kakasuhan niya ang lahat ng tao ng libel at moral defamation at reckless imprudence resulting to multiple suicide. Dahil ang buhay, sa kaniyang independent state, ay napakaganda.

Life is spoon-fed kaso ma-pride ang tao kaya tinaboy niya ang inaalok na natural na ganda ng buhay. At pilit niyang itsi-tsismis na ang buhay ay naging marahas sa kaniya.

Life is not a challenge. Tao lang ang nagbibigay ng uncertainty sa mga undergrad kung mkakahanap ba sila ng matinong trabaho. Tao lang din ang nagsasabing unfair ang buhay sa lahat, dahil tao ang unfair sa isa’t isa.
Sample ng pagiging unfair? Kunwari may lima kang propesor. Bawat isa sa kanila ay dalawanpung taon na sa subject na tinuturo nila, at *ine-expect ng bawat isa sa kanila na alam mo ang mga subject nila katulad ng pagkaalam nila dito kahit hindi mo pa ito masyadong gamay. Bakit nila ine-expect ang mga estudyante na malaman ang lahat ng subjects e kung sila nga e hindi alam ang iba nating subjects? Paano kung pasagutin natin ng mga accounting problems ang mga computer engineer professors? Or vice versa? Well, hindi nila kailangan ‘yun kasi hindi nila binabayaran ang isa’t isa.

(Note: *to pressure)

Anyway, hindi ibig-sabihin na sinulat ko e tama kaagad. This is just a random student’s whim. At ang random student na iyon ay tinatamad nang mag-aral dahil sa paraan ng pagtuturo ng professors. Pero, hindi naman ako kawalan sa kanila, o sa lipunang ito. At wala akong karapatang magreklamo dahil nagbabayad lang ako para magbasa ng libro, at dahil ang buhay ay natural nang mabagsik. Ahy, iintindihin din pala yung libro!

No comments:

Post a Comment