Good morning.
Nagising ako ng maaga kasi pinag-pray ko iyon kasi may mga
gagawin pa ako. Gagawa sana ako ng visual aid sa report sa Economics kaso wala
pa akong pentel, kaya nagbasa muna ako ng libro ng ibang subject.
Kaso tinamad na ako.
Ewan, napipilitan lang kasi akong magbasa…
Sana yung mga propesor namin e maging propesor na sa sobrang
galing e hindi na namin kakailanganin pa ang libro. Kaya niyang padaliin ang
komplikadong mga teorya at paghanap ng sagot. At kaya niyang ipaliwanag ang
bawat procedure na ginagawa niya sa paghanap ng sagot.
Na dapat naman talaga e ganto ang nangyayari. Kaso hindi.
Nabuhay na ako sa kapaligirang nagsasabing ang college ay hindi dapat
spoon-feeding, at nagbabayad lang kami ng tuition fee (optional ang pagsasama
ng fee sa tuition) para lang magbasa ng libro…at sagutan dun yung mga problems.
Ahy, dapat pala e maintindihan muna namin na para kaming mga propesyonal na
nagre-review na lang, tsaka namin sasagutin. Tapos hindi na nila ituturo. Kasi
nagbayad kami ng tuition para sabihin sa kanila na kaya naming intindihin sa
loob ng isang magdamagang pagpupuyat ang pilit nilang iniintindi sa loob ng
labinglibing taon. At hindi lang sila iisa. NAPAKARAMI NILA. Sa sobrang dami
nila e gusto ko ng magblink sa gitna nila at mag-echo slam, para mabawasan sila
o magulantang man lang.
Sana, bago sila maging professor e marunong silang magturo.
Hindi yung pakiramdam ko e isa ako sa mga katrabaho nila at gagawin nila ang
lahat para ma-demote ako. Hindi yung tipong nagbabayad ako sa kanila para lang
graduhan nila ang kakayahan kong hindi naman nila pinagsumikapang maging
aktibo, na dapat e ganoon ang ginagawa nila, kaso hindi nga raw spoon-feeding
ang college, at nagbabayad lang talaga ako ng tuition para graduhan ang
kakayahan kong hindi naman nila pinagsumikapang hanapin man lang.
Anyway, since ayokong maging bias (kahit gusto ko), subukan
naman nating hanapin ang ground ng mga propesor na iyon sa pagtuturo gamit ang
(quasi)quality teaching. Ito ang ilan sa mga sikat na dahilan ng mga propesor
kung bakit ang tam… kung bakit ganoon ang paraan nila ng pagtuturo:
1. Life is not spoon-fed. At dahil ang college ay pre-life, dapat hindi rin spoon-fed ang mga nasa college. At dapat kinakamay iyon para mas malasa.
2. Take it as a challenge! Although sa ibang propesor ko ito narinig (at hindi directly sa injuring party), isa rin siguro ito sa iniisip ng mga iyon. Since life is full of challenges, dapat ang college ay ganoon din.
3. Do you expect me to give you all? Dahil hindi spoon-fed ang buhay, dapat sila rin hindi. May nakasakbit nang ideya sa utak nila na dapat ay hindi nila ibigay ang lahat ng nalalaman nila, kasi nga hindi dapat spoon-fed ang college. O ewan, minsan kasi parang hindi lang talaga nila alam yung ituturo kaya pinauubaya na lang nila samin.
4. Ganti-ganti rin ‘pag may time! Dahil siguro naranasan na nila iyon sa mga propesor nila dati, dapat iparanas din nila sa mga tinuturuan nila.
Kung iisipin, ayon sa source na kahit kailan ay hindi n’yo
mapapasok, tatlo sa apat na binanggit ay nakatuon sa pagiging hindi spoon-feed
ng college. Dahil iyon ay paghahanda sa kinabukasan namin. Kaso may problema.
Hindi naman kasi dapat college profeesors ang magtuturo samin noon, dahil isa
rin sila sa mga kasalukuyang naglalakbay sa oras. Kala mo kung sino silang
maalam sa paraan ng pamamalakad ng buhay e hindi naman sila ang nagpapaikot sa
mundo. Wala pa sila ay nandyan na ang buhay, at kasama nila ang buhay sa
pamumuhay nila. At kahit mamatay sila ay mananatili pa rin ang buhay. Kumbaga e
may identity crisis ang maraming college profeesors. Dahil ang tanging nauna
lang sa buhay, nanatili hanggang ngayon, at alam ang magiging takbo ng buhay sa
kinabukasan ang tanging may karapatang magturo kung paano ang buhay ay
tumatakbo sa saliw ng oras.
Ang gawain ng mga propesor na iyon ang sumasalamin sa
makitid na utak ng tao na pilit niyang binuo dahil sa sariling kapusukan. Life
is not spoon-fed. Life is a challenge. Kung isang tao ang “life” na iyon,
siguradong kakasuhan niya ang lahat ng tao ng libel at moral defamation at
reckless imprudence resulting to multiple suicide. Dahil ang buhay, sa kaniyang
independent state, ay napakaganda.
Life is spoon-fed kaso ma-pride ang tao kaya tinaboy niya
ang inaalok na natural na ganda ng buhay. At pilit niyang itsi-tsismis na ang
buhay ay naging marahas sa kaniya.
Life is not a challenge. Tao lang ang nagbibigay ng
uncertainty sa mga undergrad kung mkakahanap ba sila ng matinong trabaho. Tao
lang din ang nagsasabing unfair ang buhay sa lahat, dahil tao ang unfair sa
isa’t isa.
Sample ng pagiging unfair? Kunwari may lima kang propesor.
Bawat isa sa kanila ay dalawanpung taon na sa subject na tinuturo nila, at
*ine-expect ng bawat isa sa kanila na alam mo ang mga subject nila katulad ng
pagkaalam nila dito kahit hindi mo pa ito masyadong gamay. Bakit nila
ine-expect ang mga estudyante na malaman ang lahat ng subjects e kung sila nga
e hindi alam ang iba nating subjects? Paano kung pasagutin natin ng mga
accounting problems ang mga computer engineer professors? Or vice versa? Well,
hindi nila kailangan ‘yun kasi hindi nila binabayaran ang isa’t isa.
(Note: *to pressure)
Anyway, hindi ibig-sabihin na sinulat ko e tama kaagad. This
is just a random student’s whim. At ang random student na iyon ay tinatamad
nang mag-aral dahil sa paraan ng pagtuturo ng professors. Pero, hindi naman ako
kawalan sa kanila, o sa lipunang ito. At wala akong karapatang magreklamo dahil
nagbabayad lang ako para magbasa ng libro, at dahil ang buhay ay natural nang
mabagsik. Ahy, iintindihin din pala yung libro!