Marami nang naging debate kung tama bang itanong ang tanong na “ok ka lang ba?” sa mga taong halata namang may dinadala kahit pilit tinatago ang paghihirap na nararanasan na nila. Pero, syempre, joke ko lang na may mga debate, at imposibleng malaman kong may debate sa ganoon kasi hindi naman ako nanonood ng mga ganoon bukod sa mga ginagawa sa loob ng classroom. Pero, kung iisipin, kailangan pa nga bang itanong sa tao kung ok lang ba sila kahit halata namang hindi? I mean, rationally, is it still necessary to ask such questions? Halata bang in-English ko lang yung statement ko?
Ayon sa isang kilalang tao na hindi nag-e-exist beyond my
imagination, maaring nagawa ng tao ang ganoong expression, primarily, to insult
the people to whom they pertain the question, and that is what we call “irony”.
Hmm, example pa ba? Sige na nga:
Boy1: *pamali-mali sa ginagawa*
Boy2: p’re, ok ka lang ba?
Boy1: oo, ayos lang ako
Boy2: tanga, hindi ako nag-aalala sa’yo, ironical yung
tanong na ‘yun. Ang ibig kong sabihin e ayusin mo yang pagdidikit ng tape, yan
na nga lang pinapagawa sayo e.
Boy1: e kasi naman p’re, sampu tayo pero tatlo lang tayong
gumagawa ng project na ‘to!
Boy2: o, tama na, wala na tayo sa purpose nung nagsusulat
Isa pang kilalang taong sa loob lang ng utak ko kilala e
nagsasabing ang primary talagang dahilan kung bakit tinatanong ang tanong na
yon ay para sabihin ng nagtatanong dun sa tinatanong na lagi lang silang
handang makinig, tumulong, o umagapay sa tinatanong nila na halatang
latang-lata sa problema. At some point, paraan ng mga taong nakokornihan sa
pagsasabi ng, “kaibigan, nandito lang ako para umalalay sa’yo kaya wag kang panghinaan ng loob,” ang
expression nila na “ok ka lang ba?” para iparating sa kaibigan nila na, well,
nandoon lang sila para alalayan yung kaibigan nila. Hmm, ano? Example ulit? Wag
na, sobra na kayo ah.
Pero, hindi na natin itatalakay pa kung bakit nga ba
tinatanong ang tanong na medyo ironic o rhetoric naman yung dating. At hindi
tayo magpo-focus dun sa nagtatanong. Ang bigyan natin ng halaga ngayon ay ang
subject ng question na ‘yon—yung mga taong tinatanong kung ok lang ba sila.
Bago ang lahat, ano nga ba ang ibig-sabihin ng ok? Paano mo
malalaman na ok ka lang? Ang ok ba ay nangangahulugang maayos ang pakiramdam
mo, wala kang inaalala, at wala kang problema? Kung ganoon, sa tanang buhay mo,
naging ok ka na ba talaga?
Para mapasimple natin ang depinisyon ng salitang ok,
i-Google Translate natin. Ayon doon, ang tagalong ng ok ay “ayos”. Hmm, owkeeey.
Para malaman pa natin ang deeper meaning ng ok, isipin natin kung paano mo
malalaman na HINDI ka ok. For the mean time, sabihin na lang nating hindi ka ok
‘pag may problema kang kinakaharap ngayon for a continuous amount of time na
kabilang lagi sa inaalala mo sa short-term memory mo, that is, lagi mong
naiisip. Kung gayon ang ibig-sabihin ng hindi pagiging ok, isipin mong mabuti
for 10 seconds kung bakit hindi ka ok ngayon. *bilang 1, 2…10*
May naisip ka bang
dahilan? (PRE-REQUISITE NA MAYROON PARA ITULOY ANG PAGBABASA)
So, kung may naisip kang dahilan at makikita kita ngayon na
lugmok ang mukha…ok ka lang ba? Baka sabihin mong ok ka lang kahit may naisip
kang dahilan kung bakit hindi ka ok. Hmmmmm, magulo pa rin, hindi ba? Haaaay,
nako! Bad trip, pati ako nahihirapan na sa pag-de-define ng salitang “ok”! Kung
bakit ko pa kasi naisipang isulat ‘to e, kaninang wala ako sa tapat ng laptop at
nagmumuni lang e ok lang ako……………………………
Tapusin na nga muna natin ‘to, mukhang mahirap i-explain ang
meaning ng ok. Dun na tayo sa purpose ng pagsusulat ko ngayon. Nakaranas ka na
ba ng pag may tinanong kang kaibigan kung ok lang ba siya ay sasagot lang siya
ng, “ok lang ako”, o “huh”+ngiti, o kaya e “oo naman!”? Kung hindi pa, try mo
lang, nakakatuwa. Pag ganoon ang sagot niya, it might likely be because he is strong. Yung tipong ngingitian pa niya
yung lahat ng kakausap sa kaniya or he is just acting normally as he does, yun
pala kagabi lang e nagbangayan na naman ‘yung mga magulang niya at nabasag ng
nanay niya yung paborito niyang baso. Yung mga taong matindi yung dinadalang
problema pero hindi masyadong halata kasi nakakapang-trashtalk pa o
nakakapanglandi pa o kung ano mang binabansagang “makulit” na gawain. It takes
a lot of strength to ignore for a long moment your biggest problems in life
that are waving and tempting you to look and be depressed again and again. Kung
ito lang ang pagbabasihan natin muna ng ideology, we can say that human
psychological strength is directly proportional to time the problem/s is/are
unknown to everyone else. However, that “time” doesn’t last long, meaning that “strength”
isn’t formidable. And human beings aren’t naturally designed to overcome
problems alone, especially most of the problems are built by everybody’s
faults.
Kapag puno na ang sinasahod mong drum, natural aapaw yung
tubig. Ganoon din ang tao, natural lang din na mapupuno at aapaw ang emosyon.
Dahil hindi na sapat ang lakas ng taong napupuno na para itago pa ang dinadala
niya, problema man iyon o hinanakit, ilalabas na niya yun at magbe-breakdown pa
kung minsan. Pero, ang problema doon ay kung kailan dapat ilabas ang
pagbe-breakdown niya. Hindi kasi pwede na ‘pag napuno siya e bigla-bigla na
lang iiyak at paghahampasin yung katabi niya na hindi niya kilala. O kaya ay
habang masaya siyang nakikipagkwentuhan sa isang grupo o barkada ay bigla
siyang ipapahiya ng isang pagkakataon (e.g. biglang may babaeng sasampal sa
kaniya), hindi pwedeng maglitaniya na lang siya bigla at awayin ang namahiya sa
kaniya. Well, actually, pwede naman yun. Ang totoo, nangyayari talaga yon at
maaring maintindihan ng mga nasa paligid kung ipakita man ng taong iyon ang pag-apaw
ng emosyon. Pero, paano kung maka-witness ka ng live na ganun, for example e
nasa isa kang grupo na masayang nagkukwentuhan at biglang pinahiya ang isa sa member ng group na
iyon at yung ipinahiya ay hindi man lang kumibo? Tapos, may magtanong sa kaniya
ng, “ok ka lang ba?” at ang isagot lang niya ay pag-iling at pagngiti? Ibig-sabihin
ay hindi niya ikinakaila na napahiya talaga siya, pero hindi siya maglalabas ng
sama ng loob sa oras na iyon. Maiisip mong malakas ang taong iyon, but it’s not
anymore strength that the humiliated performed because self-control is beyond
the realm of emotion which is the basis of the natural strength. Kung ganoon
man ang naging reaction ng taong iyon, it might be likely because he is intelligent. To be able to control your
emotion at a very unstable happenings takes a lot of intelligence. Ang maaring naiisip
niya ay kung magbreakdown siya sa harap ng grupong masayang nag-uusap e baka
mawasak niya ang momentum na masayang pagsasama ang nasa grupong iyon. At ang
mga taong iyon ay maaring umiyak na lang pag nag-iisa na lang siya o
makipag-usap sa isang matalik na kaibigan.
So, wala lang. Masabi lang na nagsulat ako.
Ok ka lang ba? Nandito lang ako para umalalay sa’yo kaya wag kang panghinaan ng loob.
No comments:
Post a Comment