Tuesday, June 11, 2013

KAILANGAN MO BANG MABUHAY?



Gumising ako sa pagkanta ng mga kantang hindi ko kabisado pero gusto ko pa ring kantahin. At dahil diyan, masaya ako at pwede na akong madedsung. Pero, syempre, jowk ko lang yun. Ayoko namang mamatay na lang bigla na hindi ko nagagawa ang mga gusto at kailangan kong gawin…na kung iisipin e kulang yung average na oras na ikinabubuhay ng tao.

Pero, bakit ba nabubuhay ang tao? Bakit ipinapanganak pa sila para lang maging rapist, serial killer, corrupt student, at pinakamagaling na manloloko? Bakit ipinanganak pa sila para lang magkaron ng deperensya sa utak, sa katawan, o maging isang buong deperensiya lang sa lipunan? Bakit ipinapanganak ang tao para lang magpatayan ang bawat isa, maglokohan ang bawat isa, maggamitan ang bawat isa, at magmahalan ang bawat isa? Kung iisiping mabuti, bakit nga ba ipinanganak pa ang tao? Bakit ang hirap alamin ng purpose ng buhay?

Kung isa kang tao na naniniwalang tao ka lang talaga na kabilang sa Kingdom Animalia, siguro ang nakakapa mong purpose sa buhay ay upang manatiling buhay ang Homo sapiens, na kung panghahawakan mo e maiisip mong hindi mo na kailangang mabuhay pa para mafulfill ang purpose ng buhay mo kasi marami nang gagawa n’on para sayo. Unless, sa tingin mo e napakaganda ng dinadala mong genes at tungkulin mong palaganapin yon. Hmmmm, so kung ito ang tunay na purpose ng buhay, bakit may nabubuhay pa ring hindi naman maganda yung genes (yung tipong pangit na nga, wala pang matinong naiisip)? Iyon ay dahil sa hindi lang naman tayo basta kabilang lang sa Kingdom Animalia. Hindi lang magparami ang purpose ng species natin.

Hmm, so kung hindi lang survival ang dahilan ng buhay natin tulad ng lahat ng species ng nabubuhay na bagay sa mundo, baka ang purpose natin ay kumanta? O ano kaya ay sumulat? Gumawa ng mga plano? Bumuo ng disenyo? Magtayo ng building? Umembento? O maging matinong asawa at magulang? Maybe our purpose is to serve other people, to make their lives more comfortable, and to earn a lot from it? Pero, bakit gugustuhin mong mabuhay para sa iba? Bakit gugustuhin mong mahirapan para lang hindi mahirapan ang iba? Bakit paikot-ikot lang ang buhay ng tao sa pagiging bata, kabataan, at matanda sa pagpapasaya lang ng ibang tao? Gusto niyong malaman? Gusto niyong malaman? Hmmm, pengeng piso muna!!!

Answer: dahil maaring makaramdam tayo ng self-fulfillment sa service na binigay natin; hence, happiness. Kasi hindi naman talaga tayo nabubuhay para sa iba. We always live for our own selves. Sinong maniniwala sa mga teacher na nagsasabing gustong magturo kasi nakakatulong sila? Sinong maniniwala sa mga pulis na nagsasabing to serve others is their mission in life? Sinong maniniwala sa mga opisiyal ng gobyernong nagsasabing kailangang sundin ang batas unless may pampadulas? All of us, including these three sectors in the society, ay nabubuhay lang para sa sarili. Hindi natin purpose ang magpaligaya ng ibang tao. It might just be one of the ways na binuo natin (bukod sa gawin ang gusto without hesitations and limits) upang ma-fulfill ang happiness natin. Isipin mo, mukhang ang purpose ng tao ay hindi lang talaga for survival, kundi para mag-survive ng masaya. Lahat ng tao ay gagawa ng lahat ng paraan para lang lumigaya, kahit pa ikasakit ng iba yun. Karamihan ng tao ay ganito ang hinahangad sa buhay: ang sumaya. At walang masama doon, bukod sa fact na nabubuhay ka in service of your fellow men. Hmmm, anong masama doon?

Papasok na tayo sa sagot kung ano ba talagang purpose ng tao sa buhay. At iyon ay maglingkod sa Diyos (nasa Ecclesiastes, last chapter ata). Kung sino man ang Diyos niyo, wala akong pakialam. Dahil Christian ako, ang paniniwalan kong Diyos ay ang nasa Holy Bible, at Siya ang magiging sentro ng part ng issue na ito.
Una sa lahat, hindi natin purpose ang magmarami lang at magsurvive ang species natin kasi hindi hahayaan ng Diyos na maglaho na lang ang tao. Kahit hindi ka maghanap ng partner at wala kang maging mga anak, hindi mawawala ang tao. As if hahayaan niyang mangyari iyon, e ginawa Niya tayo isang baiting lang na mas mababa sa mga anghel. Pangalawa, hindi natin purpose ang maglingkod sa ibang tao at pagaanin ang buhay nila dahil Diyos lang ang makakapagbigay ng tunay na paggaan ng loob ng kahit sino. At dahil na rin sa ang purpose nga ng tao ay maglingkod sa Diyos, at hindi ang ibang tao. Kung bakit naman naging masama ang paglilingkod sa iba ay dahil kung hindi mo ginagawa ang isang bagay para sa Diyos, siguradong ginagawa mo iyon para sa Leong umaatungal at humahanap ng masisila. Pangatlo, hindi natin purpose ang sumaya. Hindi dapat tayo magkumahog para makanahanap ng ikakasaya natin, dahil ang purpose natin ay mapangiti ang Diyos, hindi ang sarili natin.

Bakit kailangan nating mabuhay? Dahil iyon sa isang purpose, na maaring magbunga ng maraming mas specific na purposes. Ang purpose natin kaya tayo nabuhay ay para paglingkuran ang Diyos, at kung paano tayo makakapaglingkod ay depende sa ibibigay Niyang mas specific na purposes sayo. Para hindi nakakalito, ang isipin mong ibig-sabihin ng “purpose” ay “ministry”. Ministry ng lahat ng tao na maglingkod sa Kaniya, depende sa ibibigay Niyang mas specific na ministries kung paano mo Siya mapaglilingkuran bukod sa sundin ang lahat ng utos Niya. For my part, my ministry, bukod sa maging substitute na drummer sa band namin at ang sundin Siya, ay maaring magshare sa pamamagitan ng pagsusulat. Hindi man ako binayayaan ng talentong magsulat, hindi naman lingid sa akin na hindi lahat ng tao ay makakapgsulat ng tulad ko. Kaya gagamitin ko ‘to para sa Kaniya.

Nothing beats the happiness it might bring you if it came not from serving the people but from serving the Lord. At ang isiping God smiles at what you do, nagawa mo nang talaga ang purpose kung bakit ka nabuhay.

No comments:

Post a Comment