Tuesday, June 11, 2013

KAILANGAN MO BANG MABUHAY?



Gumising ako sa pagkanta ng mga kantang hindi ko kabisado pero gusto ko pa ring kantahin. At dahil diyan, masaya ako at pwede na akong madedsung. Pero, syempre, jowk ko lang yun. Ayoko namang mamatay na lang bigla na hindi ko nagagawa ang mga gusto at kailangan kong gawin…na kung iisipin e kulang yung average na oras na ikinabubuhay ng tao.

Pero, bakit ba nabubuhay ang tao? Bakit ipinapanganak pa sila para lang maging rapist, serial killer, corrupt student, at pinakamagaling na manloloko? Bakit ipinanganak pa sila para lang magkaron ng deperensya sa utak, sa katawan, o maging isang buong deperensiya lang sa lipunan? Bakit ipinapanganak ang tao para lang magpatayan ang bawat isa, maglokohan ang bawat isa, maggamitan ang bawat isa, at magmahalan ang bawat isa? Kung iisiping mabuti, bakit nga ba ipinanganak pa ang tao? Bakit ang hirap alamin ng purpose ng buhay?

Kung isa kang tao na naniniwalang tao ka lang talaga na kabilang sa Kingdom Animalia, siguro ang nakakapa mong purpose sa buhay ay upang manatiling buhay ang Homo sapiens, na kung panghahawakan mo e maiisip mong hindi mo na kailangang mabuhay pa para mafulfill ang purpose ng buhay mo kasi marami nang gagawa n’on para sayo. Unless, sa tingin mo e napakaganda ng dinadala mong genes at tungkulin mong palaganapin yon. Hmmmm, so kung ito ang tunay na purpose ng buhay, bakit may nabubuhay pa ring hindi naman maganda yung genes (yung tipong pangit na nga, wala pang matinong naiisip)? Iyon ay dahil sa hindi lang naman tayo basta kabilang lang sa Kingdom Animalia. Hindi lang magparami ang purpose ng species natin.

Hmm, so kung hindi lang survival ang dahilan ng buhay natin tulad ng lahat ng species ng nabubuhay na bagay sa mundo, baka ang purpose natin ay kumanta? O ano kaya ay sumulat? Gumawa ng mga plano? Bumuo ng disenyo? Magtayo ng building? Umembento? O maging matinong asawa at magulang? Maybe our purpose is to serve other people, to make their lives more comfortable, and to earn a lot from it? Pero, bakit gugustuhin mong mabuhay para sa iba? Bakit gugustuhin mong mahirapan para lang hindi mahirapan ang iba? Bakit paikot-ikot lang ang buhay ng tao sa pagiging bata, kabataan, at matanda sa pagpapasaya lang ng ibang tao? Gusto niyong malaman? Gusto niyong malaman? Hmmm, pengeng piso muna!!!

Answer: dahil maaring makaramdam tayo ng self-fulfillment sa service na binigay natin; hence, happiness. Kasi hindi naman talaga tayo nabubuhay para sa iba. We always live for our own selves. Sinong maniniwala sa mga teacher na nagsasabing gustong magturo kasi nakakatulong sila? Sinong maniniwala sa mga pulis na nagsasabing to serve others is their mission in life? Sinong maniniwala sa mga opisiyal ng gobyernong nagsasabing kailangang sundin ang batas unless may pampadulas? All of us, including these three sectors in the society, ay nabubuhay lang para sa sarili. Hindi natin purpose ang magpaligaya ng ibang tao. It might just be one of the ways na binuo natin (bukod sa gawin ang gusto without hesitations and limits) upang ma-fulfill ang happiness natin. Isipin mo, mukhang ang purpose ng tao ay hindi lang talaga for survival, kundi para mag-survive ng masaya. Lahat ng tao ay gagawa ng lahat ng paraan para lang lumigaya, kahit pa ikasakit ng iba yun. Karamihan ng tao ay ganito ang hinahangad sa buhay: ang sumaya. At walang masama doon, bukod sa fact na nabubuhay ka in service of your fellow men. Hmmm, anong masama doon?

Papasok na tayo sa sagot kung ano ba talagang purpose ng tao sa buhay. At iyon ay maglingkod sa Diyos (nasa Ecclesiastes, last chapter ata). Kung sino man ang Diyos niyo, wala akong pakialam. Dahil Christian ako, ang paniniwalan kong Diyos ay ang nasa Holy Bible, at Siya ang magiging sentro ng part ng issue na ito.
Una sa lahat, hindi natin purpose ang magmarami lang at magsurvive ang species natin kasi hindi hahayaan ng Diyos na maglaho na lang ang tao. Kahit hindi ka maghanap ng partner at wala kang maging mga anak, hindi mawawala ang tao. As if hahayaan niyang mangyari iyon, e ginawa Niya tayo isang baiting lang na mas mababa sa mga anghel. Pangalawa, hindi natin purpose ang maglingkod sa ibang tao at pagaanin ang buhay nila dahil Diyos lang ang makakapagbigay ng tunay na paggaan ng loob ng kahit sino. At dahil na rin sa ang purpose nga ng tao ay maglingkod sa Diyos, at hindi ang ibang tao. Kung bakit naman naging masama ang paglilingkod sa iba ay dahil kung hindi mo ginagawa ang isang bagay para sa Diyos, siguradong ginagawa mo iyon para sa Leong umaatungal at humahanap ng masisila. Pangatlo, hindi natin purpose ang sumaya. Hindi dapat tayo magkumahog para makanahanap ng ikakasaya natin, dahil ang purpose natin ay mapangiti ang Diyos, hindi ang sarili natin.

Bakit kailangan nating mabuhay? Dahil iyon sa isang purpose, na maaring magbunga ng maraming mas specific na purposes. Ang purpose natin kaya tayo nabuhay ay para paglingkuran ang Diyos, at kung paano tayo makakapaglingkod ay depende sa ibibigay Niyang mas specific na purposes sayo. Para hindi nakakalito, ang isipin mong ibig-sabihin ng “purpose” ay “ministry”. Ministry ng lahat ng tao na maglingkod sa Kaniya, depende sa ibibigay Niyang mas specific na ministries kung paano mo Siya mapaglilingkuran bukod sa sundin ang lahat ng utos Niya. For my part, my ministry, bukod sa maging substitute na drummer sa band namin at ang sundin Siya, ay maaring magshare sa pamamagitan ng pagsusulat. Hindi man ako binayayaan ng talentong magsulat, hindi naman lingid sa akin na hindi lahat ng tao ay makakapgsulat ng tulad ko. Kaya gagamitin ko ‘to para sa Kaniya.

Nothing beats the happiness it might bring you if it came not from serving the people but from serving the Lord. At ang isiping God smiles at what you do, nagawa mo nang talaga ang purpose kung bakit ka nabuhay.

Sunday, June 9, 2013

OK KA LANG BA?


Marami nang naging debate kung tama bang itanong ang tanong na “ok ka lang ba?” sa mga taong halata namang may dinadala kahit pilit tinatago ang paghihirap na nararanasan na nila. Pero, syempre, joke ko lang na may mga debate, at imposibleng malaman kong may debate sa ganoon kasi hindi naman ako nanonood ng mga ganoon bukod sa mga ginagawa sa loob ng classroom. Pero, kung iisipin, kailangan pa nga bang itanong sa tao kung ok lang ba sila kahit halata namang hindi? I mean, rationally, is it still necessary to ask such questions? Halata bang in-English ko lang yung statement ko?

Ayon sa isang kilalang tao na hindi nag-e-exist beyond my imagination, maaring nagawa ng tao ang ganoong expression, primarily, to insult the people to whom they pertain the question, and that is what we call “irony”. Hmm, example pa ba? Sige na nga:


Boy1: *pamali-mali sa ginagawa*
Boy2: p’re, ok ka lang ba?
Boy1: oo, ayos lang ako
Boy2: tanga, hindi ako nag-aalala sa’yo, ironical yung tanong na ‘yun. Ang ibig kong sabihin e ayusin mo yang pagdidikit ng tape, yan na nga lang pinapagawa sayo e.
Boy1: e kasi naman p’re, sampu tayo pero tatlo lang tayong gumagawa ng project na ‘to!
Boy2: o, tama na, wala na tayo sa purpose nung nagsusulat


Isa pang kilalang taong sa loob lang ng utak ko kilala e nagsasabing ang primary talagang dahilan kung bakit tinatanong ang tanong na yon ay para sabihin ng nagtatanong dun sa tinatanong na lagi lang silang handang makinig, tumulong, o umagapay sa tinatanong nila na halatang latang-lata sa problema. At some point, paraan ng mga taong nakokornihan sa pagsasabi ng, “kaibigan, nandito lang ako para umalalay sa’yo  kaya wag kang panghinaan ng loob,” ang expression nila na “ok ka lang ba?” para iparating sa kaibigan nila na, well, nandoon lang sila para alalayan yung kaibigan nila. Hmm, ano? Example ulit? Wag na, sobra na kayo ah.
Pero, hindi na natin itatalakay pa kung bakit nga ba tinatanong ang tanong na medyo ironic o rhetoric naman yung dating. At hindi tayo magpo-focus dun sa nagtatanong. Ang bigyan natin ng halaga ngayon ay ang subject ng question na ‘yon—yung mga taong tinatanong kung ok lang ba sila.

Bago ang lahat, ano nga ba ang ibig-sabihin ng ok? Paano mo malalaman na ok ka lang? Ang ok ba ay nangangahulugang maayos ang pakiramdam mo, wala kang inaalala, at wala kang problema? Kung ganoon, sa tanang buhay mo, naging ok ka na ba talaga?

Para mapasimple natin ang depinisyon ng salitang ok, i-Google Translate natin. Ayon doon, ang tagalong ng ok ay “ayos”. Hmm, owkeeey. Para malaman pa natin ang deeper meaning ng ok, isipin natin kung paano mo malalaman na HINDI ka ok. For the mean time, sabihin na lang nating hindi ka ok ‘pag may problema kang kinakaharap ngayon for a continuous amount of time na kabilang lagi sa inaalala mo sa short-term memory mo, that is, lagi mong naiisip. Kung gayon ang ibig-sabihin ng hindi pagiging ok, isipin mong mabuti for 10 seconds kung bakit hindi ka ok ngayon. *bilang 1, 2…10*

 May naisip ka bang dahilan? (PRE-REQUISITE NA MAYROON PARA ITULOY ANG PAGBABASA)

So, kung may naisip kang dahilan at makikita kita ngayon na lugmok ang mukha…ok ka lang ba? Baka sabihin mong ok ka lang kahit may naisip kang dahilan kung bakit hindi ka ok. Hmmmmm, magulo pa rin, hindi ba? Haaaay, nako! Bad trip, pati ako nahihirapan na sa pag-de-define ng salitang “ok”! Kung bakit ko pa kasi naisipang isulat ‘to e, kaninang wala ako sa tapat ng laptop at nagmumuni lang e ok lang ako……………………………

Tapusin na nga muna natin ‘to, mukhang mahirap i-explain ang meaning ng ok. Dun na tayo sa purpose ng pagsusulat ko ngayon. Nakaranas ka na ba ng pag may tinanong kang kaibigan kung ok lang ba siya ay sasagot lang siya ng, “ok lang ako”, o “huh”+ngiti, o kaya e “oo naman!”? Kung hindi pa, try mo lang, nakakatuwa. Pag ganoon ang sagot niya, it might likely be because he is strong. Yung tipong ngingitian pa niya yung lahat ng kakausap sa kaniya or he is just acting normally as he does, yun pala kagabi lang e nagbangayan na naman ‘yung mga magulang niya at nabasag ng nanay niya yung paborito niyang baso. Yung mga taong matindi yung dinadalang problema pero hindi masyadong halata kasi nakakapang-trashtalk pa o nakakapanglandi pa o kung ano mang binabansagang “makulit” na gawain. It takes a lot of strength to ignore for a long moment your biggest problems in life that are waving and tempting you to look and be depressed again and again. Kung ito lang ang pagbabasihan natin muna ng ideology, we can say that human psychological strength is directly proportional to time the problem/s is/are unknown to everyone else. However, that “time” doesn’t last long, meaning that “strength” isn’t formidable. And human beings aren’t naturally designed to overcome problems alone, especially most of the problems are built by everybody’s faults.

Kapag puno na ang sinasahod mong drum, natural aapaw yung tubig. Ganoon din ang tao, natural lang din na mapupuno at aapaw ang emosyon. Dahil hindi na sapat ang lakas ng taong napupuno na para itago pa ang dinadala niya, problema man iyon o hinanakit, ilalabas na niya yun at magbe-breakdown pa kung minsan. Pero, ang problema doon ay kung kailan dapat ilabas ang pagbe-breakdown niya. Hindi kasi pwede na ‘pag napuno siya e bigla-bigla na lang iiyak at paghahampasin yung katabi niya na hindi niya kilala. O kaya ay habang masaya siyang nakikipagkwentuhan sa isang grupo o barkada ay bigla siyang ipapahiya ng isang pagkakataon (e.g. biglang may babaeng sasampal sa kaniya), hindi pwedeng maglitaniya na lang siya bigla at awayin ang namahiya sa kaniya. Well, actually, pwede naman yun. Ang totoo, nangyayari talaga yon at maaring maintindihan ng mga nasa paligid kung ipakita man ng taong iyon ang pag-apaw ng emosyon. Pero, paano kung maka-witness ka ng live na ganun, for example e nasa isa kang grupo na masayang nagkukwentuhan at  biglang pinahiya ang isa sa member ng group na iyon at yung ipinahiya ay hindi man lang kumibo? Tapos, may magtanong sa kaniya ng, “ok ka lang ba?” at ang isagot lang niya ay pag-iling at pagngiti? Ibig-sabihin ay hindi niya ikinakaila na napahiya talaga siya, pero hindi siya maglalabas ng sama ng loob sa oras na iyon. Maiisip mong malakas ang taong iyon, but it’s not anymore strength that the humiliated performed because self-control is beyond the realm of emotion which is the basis of the natural strength. Kung ganoon man ang naging reaction ng taong iyon, it might be likely because he is intelligent. To be able to control your emotion at a very unstable happenings takes a lot of intelligence. Ang maaring naiisip niya ay kung magbreakdown siya sa harap ng grupong masayang nag-uusap e baka mawasak niya ang momentum na masayang pagsasama ang nasa grupong iyon. At ang mga taong iyon ay maaring umiyak na lang pag nag-iisa na lang siya o makipag-usap sa isang matalik na kaibigan.

So, wala lang. Masabi lang na nagsulat ako.

Ok ka lang ba? Nandito lang ako para umalalay sa’yo  kaya wag kang panghinaan ng loob.