Tuesday, March 5, 2013

Ang Unmotivated na Ako

Kailangan ko lang may labasan ng kung ano mang tawag sa meron ako ngayon.
Tinignan ko yung grades ko online, at nagulat ako.

Meron akong grade don na hindi na pasado sa scholarship ko, at pag hindi ako makapasa, it's either hindi na muna ako mag-aral, o lumipat ako ng school (kasi hindi namin kaya yung tuition dun).
Ok lang sana sakin. Kaya ko namang pagbutihin pa yung pag-aaral ko para dun sa subject na yun, kaso nga lang nakakawalang gana.

May mga demotivational factors kasi e:
1. Hindi siya nagtuturo ng madalas. Although hindi naman tlaga dapat ituro lahat (kasi nga hindi naman spoon feeding ang college), ang pangit naman kung hindi siya nagtuturo lagi. Bagkos e nanonood siya ng mga teleserye sa computer sa harap ng klase namin kahit time na niyang magturo.
2. Ang pakiramdam ko, under-rewarded ako. Kahit naman kasi ganun siya at puro hand-outs lang ang binibigay niya sa'min, pinapasa ko naman on time at kumpleto yung mga assignments niya. Kumpara sa ginagawa niya, mas maayos ako.
3. Hindi niya kayang ilabas yung natutulog kong potential (kaso, hindi ko alam kung meron nga ako nun), e yun dapat ang trabaho ng isang guro para sa mga taong may sarili nang pag-iisip.

In summary, ito yung mga demotivational factors:
1. The one who has authority doesn't take his work responsibly;
2. Unsatisfying subordinates' output judgment and lack of feedback; at,
3. Lack of quality teaching skills.

Para sa'kin, lahat ng tao ay may kakayahang magturo sa kapwa nila, sa maayos na paraan man o hindi. Kaso hindi lahat e makakapagturo sa paaralan. Katulad niya.

Kaya tayo pumasok ng paaralan e para matuto sa mga bagay sa field na pinasok na'tin, hindi para matuto sa ng mga bagay para sa ikatatatag ng personal nating buhay. Hindi ko sinasabing hindi na'tin kailangan yun, sa totoo nga e mas importente pa yun kesa sa mga binabayaran natin para pag-aralan. Kaso nga lang, marami nang nagtuturo sa'tin non. Sapat na ang mga bagay na nakapalibot sayo para matuto kang mabuhay.

Isa pa e kaya tayo nag-aaral sa paaralan e dahil nire-require yun ng society. And society asks for grades slip and sheepskin for us to survive, not for learning encompassing the vital morals for better survival.

Sa huli, hindi ko sinsabing dahil hindi siya marunong magturo e wala na siyang kwentang tao. Hindi naman masusukat ang essence ng isa dahil lang sa pagtuturo. Wala lang talaga siyang kwentang professional teacher kahit pa natutunan ko mula sa kaniya na walang magagwa ang estudyante 'pag walang pakialam ang professor. Gayunpaman, kaya ako nagkakaganto e dahil pakiramdam ko, at through rationale na rin, unfit siyang magturo sa kolehiyo.

Haay, pakiramdam ko ang sama-sama ko kasi parang siniraan ko siya dito.
Kaso nasulat ko na e, at napag-desisyunan ko nang i-publish 'to, at gusto ko sanang panindigan yun.
Sana tama ako.
Sana hindi ako mali.

No comments:

Post a Comment