Tuesday, March 5, 2013

Ang Unmotivated na Ako

Kailangan ko lang may labasan ng kung ano mang tawag sa meron ako ngayon.
Tinignan ko yung grades ko online, at nagulat ako.

Meron akong grade don na hindi na pasado sa scholarship ko, at pag hindi ako makapasa, it's either hindi na muna ako mag-aral, o lumipat ako ng school (kasi hindi namin kaya yung tuition dun).
Ok lang sana sakin. Kaya ko namang pagbutihin pa yung pag-aaral ko para dun sa subject na yun, kaso nga lang nakakawalang gana.

May mga demotivational factors kasi e:
1. Hindi siya nagtuturo ng madalas. Although hindi naman tlaga dapat ituro lahat (kasi nga hindi naman spoon feeding ang college), ang pangit naman kung hindi siya nagtuturo lagi. Bagkos e nanonood siya ng mga teleserye sa computer sa harap ng klase namin kahit time na niyang magturo.
2. Ang pakiramdam ko, under-rewarded ako. Kahit naman kasi ganun siya at puro hand-outs lang ang binibigay niya sa'min, pinapasa ko naman on time at kumpleto yung mga assignments niya. Kumpara sa ginagawa niya, mas maayos ako.
3. Hindi niya kayang ilabas yung natutulog kong potential (kaso, hindi ko alam kung meron nga ako nun), e yun dapat ang trabaho ng isang guro para sa mga taong may sarili nang pag-iisip.

In summary, ito yung mga demotivational factors:
1. The one who has authority doesn't take his work responsibly;
2. Unsatisfying subordinates' output judgment and lack of feedback; at,
3. Lack of quality teaching skills.

Para sa'kin, lahat ng tao ay may kakayahang magturo sa kapwa nila, sa maayos na paraan man o hindi. Kaso hindi lahat e makakapagturo sa paaralan. Katulad niya.

Kaya tayo pumasok ng paaralan e para matuto sa mga bagay sa field na pinasok na'tin, hindi para matuto sa ng mga bagay para sa ikatatatag ng personal nating buhay. Hindi ko sinasabing hindi na'tin kailangan yun, sa totoo nga e mas importente pa yun kesa sa mga binabayaran natin para pag-aralan. Kaso nga lang, marami nang nagtuturo sa'tin non. Sapat na ang mga bagay na nakapalibot sayo para matuto kang mabuhay.

Isa pa e kaya tayo nag-aaral sa paaralan e dahil nire-require yun ng society. And society asks for grades slip and sheepskin for us to survive, not for learning encompassing the vital morals for better survival.

Sa huli, hindi ko sinsabing dahil hindi siya marunong magturo e wala na siyang kwentang tao. Hindi naman masusukat ang essence ng isa dahil lang sa pagtuturo. Wala lang talaga siyang kwentang professional teacher kahit pa natutunan ko mula sa kaniya na walang magagwa ang estudyante 'pag walang pakialam ang professor. Gayunpaman, kaya ako nagkakaganto e dahil pakiramdam ko, at through rationale na rin, unfit siyang magturo sa kolehiyo.

Haay, pakiramdam ko ang sama-sama ko kasi parang siniraan ko siya dito.
Kaso nasulat ko na e, at napag-desisyunan ko nang i-publish 'to, at gusto ko sanang panindigan yun.
Sana tama ako.
Sana hindi ako mali.

Friday, March 1, 2013

5W1H + Pagbabago

Minsan, nawawalan na ako ng tiwala na magbabago pa ang mga Pilipino. Maski kasi ako, gusto ko mang magbago para man lang may maiambag ako sa Pilipinas, hindi ko magawa. Nagababago ako (e.g. hindi ako magtatapon ng basura sa kanal) pero sa umpisa lang (e.g. nagtatapon na ulit ako ng basura sa kanal). Minsan lang ako makapagpatuloy ng pagbabago ko sa sarili, at karamihan pa d'on e pagbabago sa pagiging masama. Kaya, bago man ako mawalan talaga ng ganang magsulat dito, sinubukan ko nang tulungan ang sarili ko na hindi ako mawalan ng gana ng tuluyan. At, dahil malapit na ang eleksyon, akalain niyong d'on ako nakakuha ng idea?

Ngayong malapit na nga ang eleksyon, napakarami ng com- at info-mercials ng mga kandidato ang naglipana sa media. Pero sa dinami-rami n'ong mga 'yon, halos iisa lang 'yung dinidiin nilang mensahe: ang iboto sila para sa pagbabago; specifically, pagbabago ng kasalukuyang Gobyerno.

Maraming pumasok sa isip ko n'ong narealize ko y'on, at karamihan sa mga 'yon ay walang kinalaman sa narealize ko. Kasi, isa lang ang naisip ko n'on, kailangan ba talagang magbago? At nagsunudan na ang mga tanong na sino ba ang dapat magbago, ano ang dapat baguhin, kailan dapat magbago, saan makakakuha ng pag-asa para makapagbago, at paano ba magbago.

 Diyan ko nabuo yung title ko. Yung 5W1H ay yung "why", "what", "where", "when", "who", at "how". At yung "+Pagababago" e yung...ahh, pagbabago.

Ok, let's start!

WHY?
Bago mo umpisahan ang isang kritikal na bagay na magiging crucial sa pamumuhay mo, normal lang na kwestyunin mo yung sarili mo o kung sino mang nagsasabing magbago ka ng "Bakit ako magbabago?". Iisipin mo na hindi mo kailangang magbago kasi: una, hindi na ikaw y'un kung magbabago ka; pangawala, ahh, wala na akong maisip! Ahaha, kung ang dahilan mo lang e kasi hindi na ikaw yung kung magbabago ka, ito lang ang tandaan mo: hindi mo makilala ang sarili mo kung hindi ka magbabago. Hindi mo malalaman kung sino ka talaga kung hindi mo sususbukang baguhin yung sarili mo, kasi sa pagbabago mo lang malalaman ang tunay na essence ng isang bagay. 'Pag natanggap mo na na dapat ka talagang magbago, at may sagot ka na kung bakit kailangan mong magbago (e.g. para hindi ako makadagdag sa basurang magiging palamuti ng baha), next question na tayo.

WHAT?
Actually, bago mo pa kwestyunin kung dapat mo bang baguhin ang sarili mo e malalaman mo na kung anong dapat baguhin (e.g. ang pagtatapon ko ng basura sa kanal). So, basically, hindi naman 'to mahirap malaman, pero sobrang hirap nitong tanggapin, kaya dapat e tanggapin mo muna na kailangan mong baguhin 'yun. At, yung difficulty ng pagtanggap dito e depende sa hirap ng problemang lumulitaw na naghuhudyat na dapat na ngang may baguhin.

WHERE?
Saan? Saan ka dapat magbago? Hindi po, kasi kung yun yung tanong mo, kapareha lang 'yun ng ano ang dapat magbago. Ang tanong po e, saan ka makakakuha ng motivation para magbago ka? O, di ba? Mas mahirap 'yun! Kasi, s'an nga ba? Well, depende sa pagkakataon yun e (e.g. bumaha na, at nakita ko 'yung tinapon kong balat ng HANNY na kasamang inaalod ng tubig). Hmm, tulad ngayon. Nabasa ko sa page ng paborito kong manunulat na kung gusto kong maging manunulat, umpisahan ko. Yun yung naging motivation ko sa pagbabago ko ngayon na dapat magsulat na ako ulit dito.

[Ang ingay ng mga pamangkin ko. Andito sila. Di na ako makapagsulat ng maayos.]

WHEN?
Sa kahit anong bagay na dapat mong gawin, ang oras para umpisahan 'yun e laging dapat "ngayon" (e.g. hindi na ako magtatapon ng basura sa kanal simula ngayon). 

 WHO?
"Ako" (e.g. ako ang nagtatapon, ako ang dapat magbago). Hindi "silang" mga nasa gobyerno, hindi "silang" mga kapitbahay, hindi "silang" mga taong nakapaligid sayo, hindi "silang" mga kung sino mang nagbigay sayo ng pagkakataong maging masama o mabuti, kundi "ako". For a better result, use the term "tayo".

HOW?
Sa lahat ng tanong, ito ang pinakamahirap sagutin, pero once na nasagutan mo na, ito na yung pinakamadaling gawin. 'Pag alam mo na 'yung lahat ng sagot sa 5W, masasagutan mo 'to ng mas madali at madali mo nang magagawa 'to. Pero, kung maghahanap ka man ng paraan, dapat ang sagot mo e hindi ang pag-iwas sa problema (e.g. hindi na ako bibili ng pagkain na may balat na plastik at hindi na ako titingin sa kanal) kundi dapat e solusyunan mo yung problema (e.g. hindi ako magtatapon  ng basura sa kanal). Pero, generally, sa kahit anong bagay man ang gusto mong gawin, katulad ng pagbabago, "pagkukusa" pa rin ang pinakamagandang paraan.

Mahirap ang magbago. Sa Kristyanismo nga, ang sabi e imposibleng magbago ang isang tao kung hindi siya tutulungan ng Diyos. At naniniwala ako d'on

=====

P.S.

Pagkasulat na pagkasulat ko n'ong title, inisip ko kagad kung maiintindihan 'to ng magbabasa.
Tapos naisip ko ulit. Bakit? May magbabasa ba?

N'ong umpisa, inisip ko lang na kaya ako magba-blog e para ikwento lang yung mga nangyari sa'kin sa isang certain amount of time, kung anong evaluation ko d'on at kung ano yung mga natutunan ko. At, sa tingin ko dapat gan'on talaga yung blog. Ibubulatlat mo yung sarili mong utak, ipapagpag yung mga hindi na pwedeng kainin, at hahanguin ang mga natirang laman na pwedeng panlamang tiyan.

At, syempre, hindi ko 'yon nagagagawa ng madalas. Tinatamad kasi ako. Tsaka ayaw kong ibahagi yung buhay ko na wala namang kapupulutan ng aral kumpara sa buhay ng iba. Pero, blog nga kasi 'to. Ang pagbabahagi ng buhay ang purpose ng isang blogger. Bilang blogger, kailangan kong ikwento yung buhay ko sa mga taong halatang wala ng magawa para mapatay pa yung oras nila.

Wait lang...kung may nagbabasa lang para mapatay yung oras nila, mas maganda na siguro kung ang mababasa nila e kapakipakinabang, 'no?