Magaling akong magsulat pero tinatamad akong magsulat.
Gusto kong kumanta pero ayaw naman ng boses ko.
Magaling akong magmahal pero ang selfish ko.
Ayoko nang mag-aral pero pasado pa rin ako.
Saan na ako pupulutin?
Ang buhay ko, umiikot taliwas sa mundo.
Pero, selfish ako, kaya naniniwala akong mundo ang umiikot taliwas sa'kin.
Sa sampung daliring nakadikit sa kamay ko,
may tig-iisang kuko.
At mahal ko ang aking buhay, kung hindi ka nakakaintindi.
Gusto kong magmura pero ayaw ko sa mga nagmumura.
At, hindi ako nagmumura kahit ayaw ko sa sarili ko, kasi nagmumura ako.
At, yun lang ang tangi kong gusto.
Dapat ang tula, sa huli lumilinaw.
Hindi 'to para sayo, pero ang tanga mo.
Tuesday, October 15, 2013
Wednesday, September 11, 2013
Kapag puno na ang salop, dapat nang kalusin
naiinis na tlaga ako. bakit hinahayaan mo lang na may yumakap sayo? na hindi lang basta yakap, kundi clingy pa? naiinis na ako. selos, oo naman. pakiramdam ko e hindi lang yakap ko ang kailangan mo, pero yun naman tlaga siguro, wala na akong magagawa, pero naiinis na talaga ko. pag ako napuno, tupa, wala na. kaunti na lang. pauulit ulit kong sinasabing nasasaktan ako pag gumaganun ka sa kaniya pero tuloy ka pa rin, wala na tlaga.
minsan umaayaw na ako.
erp malulungkot ako. hanggang kelan ka ba ganyan? hanggang kelan ako tatagal?
anong pang kalos gagawin ko? kalmitan ka? tae, ayoko na, sakit na ng ulo ko,
minsan umaayaw na ako.
erp malulungkot ako. hanggang kelan ka ba ganyan? hanggang kelan ako tatagal?
anong pang kalos gagawin ko? kalmitan ka? tae, ayoko na, sakit na ng ulo ko,
Tuesday, July 16, 2013
Random Student's Whim
Good morning.
Nagising ako ng maaga kasi pinag-pray ko iyon kasi may mga
gagawin pa ako. Gagawa sana ako ng visual aid sa report sa Economics kaso wala
pa akong pentel, kaya nagbasa muna ako ng libro ng ibang subject.
Kaso tinamad na ako.
Ewan, napipilitan lang kasi akong magbasa…
Sana yung mga propesor namin e maging propesor na sa sobrang
galing e hindi na namin kakailanganin pa ang libro. Kaya niyang padaliin ang
komplikadong mga teorya at paghanap ng sagot. At kaya niyang ipaliwanag ang
bawat procedure na ginagawa niya sa paghanap ng sagot.
Na dapat naman talaga e ganto ang nangyayari. Kaso hindi.
Nabuhay na ako sa kapaligirang nagsasabing ang college ay hindi dapat
spoon-feeding, at nagbabayad lang kami ng tuition fee (optional ang pagsasama
ng fee sa tuition) para lang magbasa ng libro…at sagutan dun yung mga problems.
Ahy, dapat pala e maintindihan muna namin na para kaming mga propesyonal na
nagre-review na lang, tsaka namin sasagutin. Tapos hindi na nila ituturo. Kasi
nagbayad kami ng tuition para sabihin sa kanila na kaya naming intindihin sa
loob ng isang magdamagang pagpupuyat ang pilit nilang iniintindi sa loob ng
labinglibing taon. At hindi lang sila iisa. NAPAKARAMI NILA. Sa sobrang dami
nila e gusto ko ng magblink sa gitna nila at mag-echo slam, para mabawasan sila
o magulantang man lang.
Sana, bago sila maging professor e marunong silang magturo.
Hindi yung pakiramdam ko e isa ako sa mga katrabaho nila at gagawin nila ang
lahat para ma-demote ako. Hindi yung tipong nagbabayad ako sa kanila para lang
graduhan nila ang kakayahan kong hindi naman nila pinagsumikapang maging
aktibo, na dapat e ganoon ang ginagawa nila, kaso hindi nga raw spoon-feeding
ang college, at nagbabayad lang talaga ako ng tuition para graduhan ang
kakayahan kong hindi naman nila pinagsumikapang hanapin man lang.
Anyway, since ayokong maging bias (kahit gusto ko), subukan
naman nating hanapin ang ground ng mga propesor na iyon sa pagtuturo gamit ang
(quasi)quality teaching. Ito ang ilan sa mga sikat na dahilan ng mga propesor
kung bakit ang tam… kung bakit ganoon ang paraan nila ng pagtuturo:
1. Life is not spoon-fed. At dahil ang college ay pre-life, dapat hindi rin spoon-fed ang mga nasa college. At dapat kinakamay iyon para mas malasa.
2. Take it as a challenge! Although sa ibang propesor ko ito narinig (at hindi directly sa injuring party), isa rin siguro ito sa iniisip ng mga iyon. Since life is full of challenges, dapat ang college ay ganoon din.
3. Do you expect me to give you all? Dahil hindi spoon-fed ang buhay, dapat sila rin hindi. May nakasakbit nang ideya sa utak nila na dapat ay hindi nila ibigay ang lahat ng nalalaman nila, kasi nga hindi dapat spoon-fed ang college. O ewan, minsan kasi parang hindi lang talaga nila alam yung ituturo kaya pinauubaya na lang nila samin.
4. Ganti-ganti rin ‘pag may time! Dahil siguro naranasan na nila iyon sa mga propesor nila dati, dapat iparanas din nila sa mga tinuturuan nila.
Kung iisipin, ayon sa source na kahit kailan ay hindi n’yo
mapapasok, tatlo sa apat na binanggit ay nakatuon sa pagiging hindi spoon-feed
ng college. Dahil iyon ay paghahanda sa kinabukasan namin. Kaso may problema.
Hindi naman kasi dapat college profeesors ang magtuturo samin noon, dahil isa
rin sila sa mga kasalukuyang naglalakbay sa oras. Kala mo kung sino silang
maalam sa paraan ng pamamalakad ng buhay e hindi naman sila ang nagpapaikot sa
mundo. Wala pa sila ay nandyan na ang buhay, at kasama nila ang buhay sa
pamumuhay nila. At kahit mamatay sila ay mananatili pa rin ang buhay. Kumbaga e
may identity crisis ang maraming college profeesors. Dahil ang tanging nauna
lang sa buhay, nanatili hanggang ngayon, at alam ang magiging takbo ng buhay sa
kinabukasan ang tanging may karapatang magturo kung paano ang buhay ay
tumatakbo sa saliw ng oras.
Ang gawain ng mga propesor na iyon ang sumasalamin sa
makitid na utak ng tao na pilit niyang binuo dahil sa sariling kapusukan. Life
is not spoon-fed. Life is a challenge. Kung isang tao ang “life” na iyon,
siguradong kakasuhan niya ang lahat ng tao ng libel at moral defamation at
reckless imprudence resulting to multiple suicide. Dahil ang buhay, sa kaniyang
independent state, ay napakaganda.
Life is spoon-fed kaso ma-pride ang tao kaya tinaboy niya
ang inaalok na natural na ganda ng buhay. At pilit niyang itsi-tsismis na ang
buhay ay naging marahas sa kaniya.
Life is not a challenge. Tao lang ang nagbibigay ng
uncertainty sa mga undergrad kung mkakahanap ba sila ng matinong trabaho. Tao
lang din ang nagsasabing unfair ang buhay sa lahat, dahil tao ang unfair sa
isa’t isa.
Sample ng pagiging unfair? Kunwari may lima kang propesor.
Bawat isa sa kanila ay dalawanpung taon na sa subject na tinuturo nila, at
*ine-expect ng bawat isa sa kanila na alam mo ang mga subject nila katulad ng
pagkaalam nila dito kahit hindi mo pa ito masyadong gamay. Bakit nila
ine-expect ang mga estudyante na malaman ang lahat ng subjects e kung sila nga
e hindi alam ang iba nating subjects? Paano kung pasagutin natin ng mga
accounting problems ang mga computer engineer professors? Or vice versa? Well,
hindi nila kailangan ‘yun kasi hindi nila binabayaran ang isa’t isa.
(Note: *to pressure)
Anyway, hindi ibig-sabihin na sinulat ko e tama kaagad. This
is just a random student’s whim. At ang random student na iyon ay tinatamad
nang mag-aral dahil sa paraan ng pagtuturo ng professors. Pero, hindi naman ako
kawalan sa kanila, o sa lipunang ito. At wala akong karapatang magreklamo dahil
nagbabayad lang ako para magbasa ng libro, at dahil ang buhay ay natural nang
mabagsik. Ahy, iintindihin din pala yung libro!
Tuesday, June 11, 2013
KAILANGAN MO BANG MABUHAY?
Gumising ako sa pagkanta ng mga kantang hindi ko kabisado
pero gusto ko pa ring kantahin. At dahil diyan, masaya ako at pwede na akong
madedsung. Pero, syempre, jowk ko lang yun. Ayoko namang mamatay na lang bigla
na hindi ko nagagawa ang mga gusto at kailangan kong gawin…na kung iisipin e
kulang yung average na oras na ikinabubuhay ng tao.
Pero, bakit ba nabubuhay ang tao? Bakit ipinapanganak pa
sila para lang maging rapist, serial killer, corrupt student, at pinakamagaling
na manloloko? Bakit ipinanganak pa sila para lang magkaron ng deperensya sa
utak, sa katawan, o maging isang buong deperensiya lang sa lipunan? Bakit
ipinapanganak ang tao para lang magpatayan ang bawat isa, maglokohan ang bawat
isa, maggamitan ang bawat isa, at magmahalan ang bawat isa? Kung iisiping
mabuti, bakit nga ba ipinanganak pa ang tao? Bakit ang hirap alamin ng purpose
ng buhay?
Kung isa kang tao na naniniwalang tao ka lang talaga na kabilang sa Kingdom Animalia, siguro ang nakakapa mong purpose sa buhay ay upang manatiling buhay ang Homo sapiens, na kung panghahawakan mo e maiisip mong hindi mo na kailangang mabuhay pa para mafulfill ang purpose ng buhay mo kasi marami nang gagawa n’on para sayo. Unless, sa tingin mo e napakaganda ng dinadala mong genes at tungkulin mong palaganapin yon. Hmmmm, so kung ito ang tunay na purpose ng buhay, bakit may nabubuhay pa ring hindi naman maganda yung genes (yung tipong pangit na nga, wala pang matinong naiisip)? Iyon ay dahil sa hindi lang naman tayo basta kabilang lang sa Kingdom Animalia. Hindi lang magparami ang purpose ng species natin.
Hmm, so kung hindi lang survival ang dahilan ng buhay natin
tulad ng lahat ng species ng nabubuhay na bagay sa mundo, baka ang purpose
natin ay kumanta? O ano kaya ay sumulat? Gumawa ng mga plano? Bumuo ng disenyo?
Magtayo ng building? Umembento? O maging matinong asawa at magulang? Maybe our
purpose is to serve other people, to make their lives more comfortable, and to
earn a lot from it? Pero, bakit gugustuhin mong mabuhay para sa iba? Bakit
gugustuhin mong mahirapan para lang hindi mahirapan ang iba? Bakit paikot-ikot
lang ang buhay ng tao sa pagiging bata, kabataan, at matanda sa pagpapasaya
lang ng ibang tao? Gusto niyong malaman? Gusto niyong malaman? Hmmm, pengeng
piso muna!!!
Answer: dahil maaring makaramdam tayo ng self-fulfillment sa
service na binigay natin; hence, happiness. Kasi hindi naman talaga tayo
nabubuhay para sa iba. We always live for our own selves. Sinong maniniwala sa
mga teacher na nagsasabing gustong magturo kasi nakakatulong sila? Sinong
maniniwala sa mga pulis na nagsasabing to serve others is their mission in
life? Sinong maniniwala sa mga opisiyal ng gobyernong nagsasabing kailangang
sundin ang batas unless may pampadulas? All of us, including these three
sectors in the society, ay nabubuhay lang para sa sarili. Hindi natin purpose
ang magpaligaya ng ibang tao. It might just be one of the ways na binuo natin
(bukod sa gawin ang gusto without hesitations and limits) upang ma-fulfill ang
happiness natin. Isipin mo, mukhang ang purpose ng tao ay hindi lang talaga for
survival, kundi para mag-survive ng masaya. Lahat ng tao ay gagawa ng lahat ng
paraan para lang lumigaya, kahit pa ikasakit ng iba yun. Karamihan ng tao ay
ganito ang hinahangad sa buhay: ang sumaya. At walang masama doon, bukod sa
fact na nabubuhay ka in service of your fellow men. Hmmm, anong masama doon?
Papasok na tayo sa sagot kung ano ba talagang purpose ng tao
sa buhay. At iyon ay maglingkod sa Diyos (nasa Ecclesiastes, last chapter ata).
Kung sino man ang Diyos niyo, wala akong pakialam. Dahil Christian ako, ang
paniniwalan kong Diyos ay ang nasa Holy Bible, at Siya ang magiging sentro ng
part ng issue na ito.
Una sa lahat, hindi natin purpose ang magmarami lang at
magsurvive ang species natin kasi hindi hahayaan ng Diyos na maglaho na lang
ang tao. Kahit hindi ka maghanap ng partner at wala kang maging mga anak, hindi
mawawala ang tao. As if hahayaan niyang mangyari iyon, e ginawa Niya tayo isang
baiting lang na mas mababa sa mga anghel. Pangalawa, hindi natin purpose ang
maglingkod sa ibang tao at pagaanin ang buhay nila dahil Diyos lang ang
makakapagbigay ng tunay na paggaan ng loob ng kahit sino. At dahil na rin sa
ang purpose nga ng tao ay maglingkod sa Diyos, at hindi ang ibang tao. Kung
bakit naman naging masama ang paglilingkod sa iba ay dahil kung hindi mo
ginagawa ang isang bagay para sa Diyos, siguradong ginagawa mo iyon para sa
Leong umaatungal at humahanap ng masisila. Pangatlo, hindi natin purpose ang
sumaya. Hindi dapat tayo magkumahog para makanahanap ng ikakasaya natin, dahil
ang purpose natin ay mapangiti ang Diyos, hindi ang sarili natin.
Bakit kailangan nating mabuhay? Dahil iyon sa isang purpose,
na maaring magbunga ng maraming mas specific na purposes. Ang purpose natin
kaya tayo nabuhay ay para paglingkuran ang Diyos, at kung paano tayo
makakapaglingkod ay depende sa ibibigay Niyang mas specific na purposes sayo.
Para hindi nakakalito, ang isipin mong ibig-sabihin ng “purpose” ay “ministry”.
Ministry ng lahat ng tao na maglingkod sa Kaniya, depende sa ibibigay Niyang
mas specific na ministries kung paano mo Siya mapaglilingkuran bukod sa sundin
ang lahat ng utos Niya. For my part, my ministry, bukod sa maging substitute na
drummer sa band namin at ang sundin Siya, ay maaring magshare sa pamamagitan ng
pagsusulat. Hindi man ako binayayaan ng talentong magsulat, hindi naman lingid
sa akin na hindi lahat ng tao ay makakapgsulat ng tulad ko. Kaya gagamitin ko
‘to para sa Kaniya.
Nothing beats the happiness it might bring you if it came
not from serving the people but from serving the Lord. At ang isiping God
smiles at what you do, nagawa mo nang talaga ang purpose kung bakit ka nabuhay.
Sunday, June 9, 2013
OK KA LANG BA?
Marami nang naging debate kung tama bang itanong ang tanong na “ok ka lang ba?” sa mga taong halata namang may dinadala kahit pilit tinatago ang paghihirap na nararanasan na nila. Pero, syempre, joke ko lang na may mga debate, at imposibleng malaman kong may debate sa ganoon kasi hindi naman ako nanonood ng mga ganoon bukod sa mga ginagawa sa loob ng classroom. Pero, kung iisipin, kailangan pa nga bang itanong sa tao kung ok lang ba sila kahit halata namang hindi? I mean, rationally, is it still necessary to ask such questions? Halata bang in-English ko lang yung statement ko?
Ayon sa isang kilalang tao na hindi nag-e-exist beyond my
imagination, maaring nagawa ng tao ang ganoong expression, primarily, to insult
the people to whom they pertain the question, and that is what we call “irony”.
Hmm, example pa ba? Sige na nga:
Boy1: *pamali-mali sa ginagawa*
Boy2: p’re, ok ka lang ba?
Boy1: oo, ayos lang ako
Boy2: tanga, hindi ako nag-aalala sa’yo, ironical yung
tanong na ‘yun. Ang ibig kong sabihin e ayusin mo yang pagdidikit ng tape, yan
na nga lang pinapagawa sayo e.
Boy1: e kasi naman p’re, sampu tayo pero tatlo lang tayong
gumagawa ng project na ‘to!
Boy2: o, tama na, wala na tayo sa purpose nung nagsusulat
Isa pang kilalang taong sa loob lang ng utak ko kilala e
nagsasabing ang primary talagang dahilan kung bakit tinatanong ang tanong na
yon ay para sabihin ng nagtatanong dun sa tinatanong na lagi lang silang
handang makinig, tumulong, o umagapay sa tinatanong nila na halatang
latang-lata sa problema. At some point, paraan ng mga taong nakokornihan sa
pagsasabi ng, “kaibigan, nandito lang ako para umalalay sa’yo kaya wag kang panghinaan ng loob,” ang
expression nila na “ok ka lang ba?” para iparating sa kaibigan nila na, well,
nandoon lang sila para alalayan yung kaibigan nila. Hmm, ano? Example ulit? Wag
na, sobra na kayo ah.
Pero, hindi na natin itatalakay pa kung bakit nga ba
tinatanong ang tanong na medyo ironic o rhetoric naman yung dating. At hindi
tayo magpo-focus dun sa nagtatanong. Ang bigyan natin ng halaga ngayon ay ang
subject ng question na ‘yon—yung mga taong tinatanong kung ok lang ba sila.
Bago ang lahat, ano nga ba ang ibig-sabihin ng ok? Paano mo
malalaman na ok ka lang? Ang ok ba ay nangangahulugang maayos ang pakiramdam
mo, wala kang inaalala, at wala kang problema? Kung ganoon, sa tanang buhay mo,
naging ok ka na ba talaga?
Para mapasimple natin ang depinisyon ng salitang ok,
i-Google Translate natin. Ayon doon, ang tagalong ng ok ay “ayos”. Hmm, owkeeey.
Para malaman pa natin ang deeper meaning ng ok, isipin natin kung paano mo
malalaman na HINDI ka ok. For the mean time, sabihin na lang nating hindi ka ok
‘pag may problema kang kinakaharap ngayon for a continuous amount of time na
kabilang lagi sa inaalala mo sa short-term memory mo, that is, lagi mong
naiisip. Kung gayon ang ibig-sabihin ng hindi pagiging ok, isipin mong mabuti
for 10 seconds kung bakit hindi ka ok ngayon. *bilang 1, 2…10*
May naisip ka bang
dahilan? (PRE-REQUISITE NA MAYROON PARA ITULOY ANG PAGBABASA)
So, kung may naisip kang dahilan at makikita kita ngayon na
lugmok ang mukha…ok ka lang ba? Baka sabihin mong ok ka lang kahit may naisip
kang dahilan kung bakit hindi ka ok. Hmmmmm, magulo pa rin, hindi ba? Haaaay,
nako! Bad trip, pati ako nahihirapan na sa pag-de-define ng salitang “ok”! Kung
bakit ko pa kasi naisipang isulat ‘to e, kaninang wala ako sa tapat ng laptop at
nagmumuni lang e ok lang ako……………………………
Tapusin na nga muna natin ‘to, mukhang mahirap i-explain ang
meaning ng ok. Dun na tayo sa purpose ng pagsusulat ko ngayon. Nakaranas ka na
ba ng pag may tinanong kang kaibigan kung ok lang ba siya ay sasagot lang siya
ng, “ok lang ako”, o “huh”+ngiti, o kaya e “oo naman!”? Kung hindi pa, try mo
lang, nakakatuwa. Pag ganoon ang sagot niya, it might likely be because he is strong. Yung tipong ngingitian pa niya
yung lahat ng kakausap sa kaniya or he is just acting normally as he does, yun
pala kagabi lang e nagbangayan na naman ‘yung mga magulang niya at nabasag ng
nanay niya yung paborito niyang baso. Yung mga taong matindi yung dinadalang
problema pero hindi masyadong halata kasi nakakapang-trashtalk pa o
nakakapanglandi pa o kung ano mang binabansagang “makulit” na gawain. It takes
a lot of strength to ignore for a long moment your biggest problems in life
that are waving and tempting you to look and be depressed again and again. Kung
ito lang ang pagbabasihan natin muna ng ideology, we can say that human
psychological strength is directly proportional to time the problem/s is/are
unknown to everyone else. However, that “time” doesn’t last long, meaning that “strength”
isn’t formidable. And human beings aren’t naturally designed to overcome
problems alone, especially most of the problems are built by everybody’s
faults.
Kapag puno na ang sinasahod mong drum, natural aapaw yung
tubig. Ganoon din ang tao, natural lang din na mapupuno at aapaw ang emosyon.
Dahil hindi na sapat ang lakas ng taong napupuno na para itago pa ang dinadala
niya, problema man iyon o hinanakit, ilalabas na niya yun at magbe-breakdown pa
kung minsan. Pero, ang problema doon ay kung kailan dapat ilabas ang
pagbe-breakdown niya. Hindi kasi pwede na ‘pag napuno siya e bigla-bigla na
lang iiyak at paghahampasin yung katabi niya na hindi niya kilala. O kaya ay
habang masaya siyang nakikipagkwentuhan sa isang grupo o barkada ay bigla
siyang ipapahiya ng isang pagkakataon (e.g. biglang may babaeng sasampal sa
kaniya), hindi pwedeng maglitaniya na lang siya bigla at awayin ang namahiya sa
kaniya. Well, actually, pwede naman yun. Ang totoo, nangyayari talaga yon at
maaring maintindihan ng mga nasa paligid kung ipakita man ng taong iyon ang pag-apaw
ng emosyon. Pero, paano kung maka-witness ka ng live na ganun, for example e
nasa isa kang grupo na masayang nagkukwentuhan at biglang pinahiya ang isa sa member ng group na
iyon at yung ipinahiya ay hindi man lang kumibo? Tapos, may magtanong sa kaniya
ng, “ok ka lang ba?” at ang isagot lang niya ay pag-iling at pagngiti? Ibig-sabihin
ay hindi niya ikinakaila na napahiya talaga siya, pero hindi siya maglalabas ng
sama ng loob sa oras na iyon. Maiisip mong malakas ang taong iyon, but it’s not
anymore strength that the humiliated performed because self-control is beyond
the realm of emotion which is the basis of the natural strength. Kung ganoon
man ang naging reaction ng taong iyon, it might be likely because he is intelligent. To be able to control your
emotion at a very unstable happenings takes a lot of intelligence. Ang maaring naiisip
niya ay kung magbreakdown siya sa harap ng grupong masayang nag-uusap e baka
mawasak niya ang momentum na masayang pagsasama ang nasa grupong iyon. At ang
mga taong iyon ay maaring umiyak na lang pag nag-iisa na lang siya o
makipag-usap sa isang matalik na kaibigan.
So, wala lang. Masabi lang na nagsulat ako.
Ok ka lang ba? Nandito lang ako para umalalay sa’yo kaya wag kang panghinaan ng loob.
Tuesday, March 5, 2013
Ang Unmotivated na Ako
Kailangan ko lang may labasan ng kung ano mang tawag sa meron ako ngayon.
Tinignan ko yung grades ko online, at nagulat ako.
Meron akong grade don na hindi na pasado sa scholarship ko, at pag hindi ako makapasa, it's either hindi na muna ako mag-aral, o lumipat ako ng school (kasi hindi namin kaya yung tuition dun).
Ok lang sana sakin. Kaya ko namang pagbutihin pa yung pag-aaral ko para dun sa subject na yun, kaso nga lang nakakawalang gana.
May mga demotivational factors kasi e:
1. Hindi siya nagtuturo ng madalas. Although hindi naman tlaga dapat ituro lahat (kasi nga hindi naman spoon feeding ang college), ang pangit naman kung hindi siya nagtuturo lagi. Bagkos e nanonood siya ng mga teleserye sa computer sa harap ng klase namin kahit time na niyang magturo.
2. Ang pakiramdam ko, under-rewarded ako. Kahit naman kasi ganun siya at puro hand-outs lang ang binibigay niya sa'min, pinapasa ko naman on time at kumpleto yung mga assignments niya. Kumpara sa ginagawa niya, mas maayos ako.
3. Hindi niya kayang ilabas yung natutulog kong potential (kaso, hindi ko alam kung meron nga ako nun), e yun dapat ang trabaho ng isang guro para sa mga taong may sarili nang pag-iisip.
In summary, ito yung mga demotivational factors:
1. The one who has authority doesn't take his work responsibly;
2. Unsatisfying subordinates' output judgment and lack of feedback; at,
3. Lack of quality teaching skills.
Para sa'kin, lahat ng tao ay may kakayahang magturo sa kapwa nila, sa maayos na paraan man o hindi. Kaso hindi lahat e makakapagturo sa paaralan. Katulad niya.
Kaya tayo pumasok ng paaralan e para matuto sa mga bagay sa field na pinasok na'tin, hindi para matuto sa ng mga bagay para sa ikatatatag ng personal nating buhay. Hindi ko sinasabing hindi na'tin kailangan yun, sa totoo nga e mas importente pa yun kesa sa mga binabayaran natin para pag-aralan. Kaso nga lang, marami nang nagtuturo sa'tin non. Sapat na ang mga bagay na nakapalibot sayo para matuto kang mabuhay.
Isa pa e kaya tayo nag-aaral sa paaralan e dahil nire-require yun ng society. And society asks for grades slip and sheepskin for us to survive, not for learning encompassing the vital morals for better survival.
Sa huli, hindi ko sinsabing dahil hindi siya marunong magturo e wala na siyang kwentang tao. Hindi naman masusukat ang essence ng isa dahil lang sa pagtuturo. Wala lang talaga siyang kwentang professional teacher kahit pa natutunan ko mula sa kaniya na walang magagwa ang estudyante 'pag walang pakialam ang professor. Gayunpaman, kaya ako nagkakaganto e dahil pakiramdam ko, at through rationale na rin, unfit siyang magturo sa kolehiyo.
Haay, pakiramdam ko ang sama-sama ko kasi parang siniraan ko siya dito.
Kaso nasulat ko na e, at napag-desisyunan ko nang i-publish 'to, at gusto ko sanang panindigan yun.
Sana tama ako.
Sana hindi ako mali.

Friday, March 1, 2013
5W1H + Pagbabago
Minsan, nawawalan na ako ng tiwala na magbabago pa ang mga Pilipino. Maski kasi ako, gusto ko mang magbago para man lang may maiambag ako sa Pilipinas, hindi ko magawa. Nagababago ako (e.g. hindi ako magtatapon ng basura sa kanal) pero sa umpisa lang (e.g. nagtatapon na ulit ako ng basura sa kanal). Minsan lang ako makapagpatuloy ng pagbabago ko sa sarili, at karamihan pa d'on e pagbabago sa pagiging masama. Kaya, bago man ako mawalan talaga ng ganang magsulat dito, sinubukan ko nang tulungan ang sarili ko na hindi ako mawalan ng gana ng tuluyan. At, dahil malapit na ang eleksyon, akalain niyong d'on ako nakakuha ng idea?
Ngayong malapit na nga ang eleksyon, napakarami ng com- at info-mercials ng mga kandidato ang naglipana sa media. Pero sa dinami-rami n'ong mga 'yon, halos iisa lang 'yung dinidiin nilang mensahe: ang iboto sila para sa pagbabago; specifically, pagbabago ng kasalukuyang Gobyerno.
Maraming pumasok sa isip ko n'ong narealize ko y'on, at karamihan sa mga 'yon ay walang kinalaman sa narealize ko. Kasi, isa lang ang naisip ko n'on, kailangan ba talagang magbago? At nagsunudan na ang mga tanong na sino ba ang dapat magbago, ano ang dapat baguhin, kailan dapat magbago, saan makakakuha ng pag-asa para makapagbago, at paano ba magbago.
Diyan ko nabuo yung title ko. Yung 5W1H ay yung "why", "what", "where", "when", "who", at "how". At yung "+Pagababago" e yung...ahh, pagbabago.
Ok, let's start!
WHY?
Bago mo umpisahan ang isang kritikal na bagay na magiging crucial sa pamumuhay mo, normal lang na kwestyunin mo yung sarili mo o kung sino mang nagsasabing magbago ka ng "Bakit ako magbabago?". Iisipin mo na hindi mo kailangang magbago kasi: una, hindi na ikaw y'un kung magbabago ka; pangawala, ahh, wala na akong maisip! Ahaha, kung ang dahilan mo lang e kasi hindi na ikaw yung kung magbabago ka, ito lang ang tandaan mo: hindi mo makilala ang sarili mo kung hindi ka magbabago. Hindi mo malalaman kung sino ka talaga kung hindi mo sususbukang baguhin yung sarili mo, kasi sa pagbabago mo lang malalaman ang tunay na essence ng isang bagay. 'Pag natanggap mo na na dapat ka talagang magbago, at may sagot ka na kung bakit kailangan mong magbago (e.g. para hindi ako makadagdag sa basurang magiging palamuti ng baha), next question na tayo.
WHAT?
Actually, bago mo pa kwestyunin kung dapat mo bang baguhin ang sarili mo e malalaman mo na kung anong dapat baguhin (e.g. ang pagtatapon ko ng basura sa kanal). So, basically, hindi naman 'to mahirap malaman, pero sobrang hirap nitong tanggapin, kaya dapat e tanggapin mo muna na kailangan mong baguhin 'yun. At, yung difficulty ng pagtanggap dito e depende sa hirap ng problemang lumulitaw na naghuhudyat na dapat na ngang may baguhin.
WHERE?
Saan? Saan ka dapat magbago? Hindi po, kasi kung yun yung tanong mo, kapareha lang 'yun ng ano ang dapat magbago. Ang tanong po e, saan ka makakakuha ng motivation para magbago ka? O, di ba? Mas mahirap 'yun! Kasi, s'an nga ba? Well, depende sa pagkakataon yun e (e.g. bumaha na, at nakita ko 'yung tinapon kong balat ng HANNY na kasamang inaalod ng tubig). Hmm, tulad ngayon. Nabasa ko sa page ng paborito kong manunulat na kung gusto kong maging manunulat, umpisahan ko. Yun yung naging motivation ko sa pagbabago ko ngayon na dapat magsulat na ako ulit dito.
[Ang ingay ng mga pamangkin ko. Andito sila. Di na ako makapagsulat ng maayos.]
WHEN?
Sa kahit anong bagay na dapat mong gawin, ang oras para umpisahan 'yun e laging dapat "ngayon" (e.g. hindi na ako magtatapon ng basura sa kanal simula ngayon).
WHO?
"Ako" (e.g. ako ang nagtatapon, ako ang dapat magbago). Hindi "silang" mga nasa gobyerno, hindi "silang" mga kapitbahay, hindi "silang" mga taong nakapaligid sayo, hindi "silang" mga kung sino mang nagbigay sayo ng pagkakataong maging masama o mabuti, kundi "ako". For a better result, use the term "tayo".
HOW?
Sa lahat ng tanong, ito ang pinakamahirap sagutin, pero once na nasagutan mo na, ito na yung pinakamadaling gawin. 'Pag alam mo na 'yung lahat ng sagot sa 5W, masasagutan mo 'to ng mas madali at madali mo nang magagawa 'to. Pero, kung maghahanap ka man ng paraan, dapat ang sagot mo e hindi ang pag-iwas sa problema (e.g. hindi na ako bibili ng pagkain na may balat na plastik at hindi na ako titingin sa kanal) kundi dapat e solusyunan mo yung problema (e.g. hindi ako magtatapon ng basura sa kanal). Pero, generally, sa kahit anong bagay man ang gusto mong gawin, katulad ng pagbabago, "pagkukusa" pa rin ang pinakamagandang paraan.
Mahirap ang magbago. Sa Kristyanismo nga, ang sabi e imposibleng magbago ang isang tao kung hindi siya tutulungan ng Diyos. At naniniwala ako d'on
=====
P.S.
Pagkasulat na pagkasulat ko n'ong title, inisip ko kagad kung maiintindihan 'to ng magbabasa.
Tapos naisip ko ulit. Bakit? May magbabasa ba?
N'ong umpisa, inisip ko lang na kaya ako magba-blog e para ikwento lang yung mga nangyari sa'kin sa isang certain amount of time, kung anong evaluation ko d'on at kung ano yung mga natutunan ko. At, sa tingin ko dapat gan'on talaga yung blog. Ibubulatlat mo yung sarili mong utak, ipapagpag yung mga hindi na pwedeng kainin, at hahanguin ang mga natirang laman na pwedeng panlamang tiyan.
At, syempre, hindi ko 'yon nagagagawa ng madalas. Tinatamad kasi ako. Tsaka ayaw kong ibahagi yung buhay ko na wala namang kapupulutan ng aral kumpara sa buhay ng iba. Pero, blog nga kasi 'to. Ang pagbabahagi ng buhay ang purpose ng isang blogger. Bilang blogger, kailangan kong ikwento yung buhay ko sa mga taong halatang wala ng magawa para mapatay pa yung oras nila.
Wait lang...kung may nagbabasa lang para mapatay yung oras nila, mas maganda na siguro kung ang mababasa nila e kapakipakinabang, 'no?

Monday, January 21, 2013
Importance of Probability
No, this is not the probability in Mathematics, at hindi ko 'to isusulat sa English.
Kanina, habang nagdi-discuss yung prof ko sa FinAct, bigla bigla na lang kaming napunta sa probability at ang ibig-sabihin n'on. Ang binigay niyang example samin e yung sa pagliligawan ng dalawang tao. Sabi ni sir, 'pag sinabi raw ng babae na, "Wala ka pa sa puso ko e, pero maghintay ka lang, mga sandaling panahon na lang baka makapasaok ka na d'on.", napakalaki na raw ng chance ng lalaki d'on sa babae. Kahit pa probability pa lang 'yon.
Kaya naisip ko, kung, for example, sabihin na lang nating d'on sa example ni sir, 23% ang chance nung lalaki na sagutin siya nung nililigawan niya, ano yung natitirang 77%? Yun ba yung probability na hindi siya sagutin ng babae? E bakit sinabi pa nung babae na konti na lang? E 'di parang um-oo na rin yung babae 'pag ganun?
Ok, puro ako tanong e, sensya na, hindi ko lang masulat yung nasa isip ko.
[PROCESSING...]
Kung totoo man na yung 77% ay ang probability na hindi sasagutin ng babae ang lalaki, masasabi nating nagpapakatanga lang 'ata yung lalaki. Kaya naisip ko, baka naman hindi probability ng hindi pagsagot ng babae yung natitirang 77%, baka iba. Baka kasi yung 77% ay hindi naman talaga ang chance na mabasted ang lalaki, kundi kawalan lang ng chance na masagot. O, e anong pinagkaiba n'on? Gantuhin na lang natin 'yung analogy, yung chance na hindi siya sagutin ay negative(-) number, at yung kawalan e zero. Ano bang mas malaki? Yung zero o yung negative number? Kung hindi natin kukunin yung absolute value ng negative number, mas malaki ang zero; therefore, mas maganda yung wala kang chance kesa naman may chance kang hindi sagutin. Naintindihan n'yo ba? Bahala kayo kung hindi.
So, na-conclude ko na ang pagsasabi ng babae na may chance 'yung lalaki e sa kanya e parang pagsisindi ng isang maliit na kandila sa loob ng isang madilim na kwarto: kahit pa sabihing maliit lang yung kandila(chance), malaki pa rin yung nasasakop ng ilaw nito sa dilim(yung absence ng chance).
At, ang dilim ay hindi kabaligtaran ng liwanag; kawalan lang iyon ng huli.
At hindi lang 'to applicable sa mga may nililigawan, applicable 'to sa lahat ng pwede mong sabihin na may chance kang makuha, magawa, o kung ano man.
Kaya, sige, kunin mo lahat ng bagay na may chance kang makuha, pero tumugil ka na 'pag nagkachance na rin hindi mo na 'yun makuha.
May mga bagay kasi na 'pag binitawan mo lang e tsaka ka makakausad, at iba 'yun sa pagsuko huh?

Saturday, January 5, 2013
Logic lang
In english:
One is three; three is five; five is four, four is four; therefore, four is the ultimate number...
Sa tagalog:
Ang isa ay tatlo; ang tatlo ay lima; ang lima ay apat; ang apat ay apat; kaya, ang apat ang tunay na bilang...
'La lang... ahehe, happy new year.

Subscribe to:
Posts (Atom)