Bad news mga p're!!! Hindi ko mapasukan 'yung ilang website na regular kong pinapasok ngayon. Well, tatlo lang naman sila, yung Wattpad, 9gag, at Mangareader. Ewan ko kung bakit, bina-block yata ng computer namin. Haay, gusto ko pa namang i-update yung story ko, tumawa sa mga meme, at ma-entertain sa mga manga.
Pero bigla ko na lang naisip yung mga bagay na hindi ko naiisip dahil "loaded" ako sa mga nasabing website. Na-realize ko tuloy na ang dami ko nang naisantabing dati e trip ko gawin. Hindi ko alam kung bakit, pero siguro kaya ako mas naadik sa mga website na yun kasi napupunta ako sa ibang mundo. Nakakaramdam ako ng kakaibang kasiyahang hindi ko maramdaman sa dito sa kasalukuyan kong ginagalawan. Napupunta ako sa mundo ng mga karakter na kilala ko, pero hindi naman ako kilala.
.
.
.
.
.
.
.
Wala na, putol na yung ideas ko....
.
.
.
.
.
.
Wala lang, namiss ko lang magsulat ng hindi nalalayo sa totoong mundo. Masaya pa rin akong magsulat sa blog kahit mas nararamdaman ko yung sakit at hirap at pressure na galing sa totoong mundo. Ang kinaganda kasi ng pagsusulat, nagiging rational ka.
Yung tipong, kahit naiinis ka pero pag nagsulat ka na, maiisip mo kung bakit, paano, saan o kanino ka naiinis, at kung tama ba. Tapos ang mangyayari, less na yung emotion na pagkainis ang mararamdaman mo. At kahit masulat mo pa rin na naiinis ka, alam mong sa sarili mo e hindi na.
Kaya masarap ding magsulat ng hindi hiwalay sa totoong mundo, kasi hindi ka na masyadong maapektuhan. Try mo. Pag nagselos ka kasi may kasamang lalaki sa picture yung mahal mo, magsulat ka na nagseselos ka. Matik na maiisip mo kung tama ba na magselos ka. Tapos mababawasan na yung nararamdaman mo.
Pero isulat mo pa rin na nagseselos ka, kasi hanggat hindi mo naisusulat sa papel o word document o notes yun, hindi yun mawawala sa'yo. Tandaan: hanggat hindi inilalabas, hindi mawawala. Siguro naman mas mabuti nang labasan ng negatibong emotion yung hindi mo naman masasaktan, kesa sa mga taong may pakiramdam at masasaktan mo lang.
Kung may kaibigan ka naman na pwede mong labasan ng pagkabadtrip sa mundo, go, kausapin mo sya. Pero kung katulad ko na kahit may kaibigan na pwedeng gawan ng ganun pero nahihiya pa rin (due to confidentiality of the subject, e.g. love life), mas effective sakin ang pagsusulat.
Hindi pa ako binibigo ng pagsusulat, kasi para sakin napagaling niyang tagapakinig...at mabuti pang kaibigan kasi hindi nang-iiwan.
No comments:
Post a Comment