Haay, ilang linggo na akong hindi nakakpagsulat dito, may inaasikaso kasi akong story ngayon sa Wattpad. Pero mukhang tatamarin na akong magsulat ng kwento, parang mas gusto ko kasing magsulat ng mga idea na lang.
Sem break na nga pala namin. Wala lang, pag sembreak naman namin wala akong ginagawa kundi magcomp at magbasa at magtext. Hindi rin kami nagbabakasyon sa probinsya o resort o sa ibang bansa, kasi wala naman kaming pera. Pero masaya pa rin naman kahit mejo boring. Nalaman ko tuloy na hindi ibigsabihing bored ka e hindi ka na masaya. Tsaka bakit ka ba nabobored?
Pagkamulat ng mga mata, nakakulong ka na sa mga bagay na hindi mo na kabisado kung anu-ano at kung saan nanggaling. Pero, alam mong sa'yo ang mga iyon, at abot kamay lang. Bakit ka ba mabobored? E andami dami namang pwedeng gawin dun sa mga gamit mo.
Una, sa unan mo. Hmm, basta marami kang pwedeng gawin sa unan mo. Pede mong isiping tao yun...tapos may ginanagawa ka sa kanya...tapos, ayun, nire-wrestling... basta! Marami! Ang kailangan mo lang naman ay malawak na imahinasyon at magpakatotoo ka sa sarili mo. Hindi naman ibigsabihing matanda ka na at mature e hindi ka na pwedeng maging bata ulit at immature. Minsan kasi, mas masaya pag bata ka o immature, o ewan, masaya ka lang ata talaga pag immature ka? Kasi mas mababaw ang isip mo. Hahanga ka na at tatawa pag nakapagpalobo ka ng laway. Yayabang ang tingin mo sa sarili mo kapag nagawa mo rin yun. Nang walang pag-aalinlangan. Nang walang pagtatanong ng sarili mo kung ok lang ba yun sa ibang tao. At marerealize mo na nagpapalakihan na kayo ng batang ikaw sa pagpapalobo ng laway habang nakaupo ka sa banyo at tumatae.
Bored ka ba? Bakit hindi mo iwaksi ang isipan at i-shake ang ulo na parang wala ng bukas? O tumakbo ng nakahubad sa buong bahay 'pag wala kang kasama? O ibalanse na parang nakatayong gulong ang mga piso mo sa alkansya? Babala lang: wag mo tong gawin pag hindi naka-set ang utak mo sa pagiging immature. Kasi baka sa pag-alog mo ng ulo e maalala mo ang mga mapapait mong karanasan kay Tonyang, o sa pagtakbo mo e mapatingin ka sa isang salamin at mapangitan ka sa sarili mong katawan, o sa paglalaro mo e maihagis mo sa kung saan-saan ang mga piso kasi lintik na yan ayaw mabalanse ng mga hayop.
Bored ka ba? It's time to use the power of your mind, which is imagination. At kung sa imagination mo e mabored ka pa rin, magsuicide ka na. Jowk lang, ahehe.
No comments:
Post a Comment