Maaga akong gumigising para pumasok.
BSA Student ako ng Technological Institute of the Philippines.
Hmm...iniisip ko tuloy kung BSA Student ako ng UP. May pagbabago kaya sa paraan ng pagtingin sa'kin ng tao?
Sayang, 'yun dapat topic namin sa Filipino sa pamanahong papel namin.
"Epekto ng Pangalang 'University' sa Pagpili ng mga Estudyante sa Papasukang Kolehiyo."
Pero iba pinili n'ong prof namin, kaya 'yun.
Maraming nangyari sa'kin sa loob ng sampung buwan sa TIP.
Ng unang sampung buwan ko sa TIP.
Nar'yan ang Algebra na masasabi kong foundation ng lahat ng iba pang uri ng math.
'Andyan din ang Economics at Management na nalaman kong parehas mas mahirap intindihin 'pag hindi bihasa ang nagtuturo.
At sinong makakalimot sa mahirap na Finance?
Nakalimutan ko na kung anong nilalaman n'on, pero hindi ko makakalimutan na mahirap 'yun...at lalo pang pinahirap ng prof namin.
Wew, nabubulunan na ko. Wew, pero first sem pa lang 'yan. Wew...
First year. Nakakawindang na second sem.
Sinalubong ako, sampu ng aking mga kamag-aral na parehas luma at bago sa paningin ko
ng una naming subject na dahilan kung bakit nagagawa ko 'tong site na 'to.
Tatlong oras na Computer Software. TATLONG ORAS. COMPUTER SOFTWARE.
Unang subject ng unang araw ng muling pagbalik sa pagiging mag-aaral.
Unang subject ng unang araw, sumakit ang ulo ko ng bahagya.
Second subject. Math of Investments. Wala masyadong nangyari.
Lunch Break. Huh? Pagkatapos ng dalawang subject, lunch break na?
Pero, naalala ko, nasa college na ko. Kinain ko na lang 'yung baon ko.
Third subject. Filipino. Naramdaman kong magiging masaya ang Filipino namin ngayon.
Magaling ang prof namin, kahit GenSci ang major n'ya.
Isa't kalahating oras. Uwian na namin. Umuwi na ko.
Excited akong pumasok kinabukasan. May Accounting na kami. YES.
Unang subject. Marketing. Prof namin 'yung prof namin sa management n'on.
Hanga kami sa prof namin na 'yun. Mas maayos ang buhok n'ya kaysa sa libro namin.
Pero mas higit na mas maayos ang utak nya sa buhok ng kaklase kong mas maayos sa maayos n'yang buhok.
Accounting na namin. Excited na talaga ako. Masaya akong nakinig sa sinasabi ng prof namin.
"Please read Chapters 1 to 3. We will have our first quiz next meeting."
Sinilip ko kung gaano kaikli ang Chapters 1 to 3. Mahigit 100 pages.
May Accounting na nga kami. OH NO.
Matapos ang ilang buwan na parang kahapon lang nag-umpisa pero kung
titignan naman n'on e parang walang hanggan, makaka-survive na 'ko.
Kung makakapasa sa Departmental Exams na parang kakain ako ng apoy. Kaya ko 'to. Kaya ko.
Sa unang taon ko sa kolehiyo, natutunan kong parang high school lang ang college.
Mas malaki lang 'yung facilities.
Mas marami lang ang gwardiya.
Natutunan kong maging mag-isa kahit may kasama ako.
Nalaman kong hindi gumagana ang spoon-feeding type na pagtuturo sa college.
Kung gusto mong mabuhay, kailangang mong iunat ang kamay mo.
BAWAL KUMAIN ANG TAMAD.
Unang taon ko sa college. Sawang sawa na 'ko. Gusto ko nang isuka ang course ko.
Pero masasanay din ako sa gantong lasa ng buhay. Gan'to talaga ang college.
Cool.
[recycled mula sa batang leon]
No comments:
Post a Comment