Na naman. Lumusot na naman ako sa isang gawaing dapat kong malagpasan, pero hindi ko alam kung magagawa ko...
Isa sa mga nirereklamo ng mga college students ay ang mga minor subject nila na ika nga e "nagpapa-major". Yung tipong ok lang naman yung pinapagawa ng prof n'yo, kung yung subject n'ya e major n'yo! Marami na akong nababasa sa mga post sa FB na gan'ong reklamo. Quasi-ganong-pangyayari ang nangyayari sa 'min sa subject namin na humanities. Mga pang-art students kasi yata talaga yung pinapagawa sa'min nung prof namin. Katulad nung pinagawa sa 'min ngayon. Musical play. Pero accountancy students kami. Para kaming sinabak sa gera kahit hindi baril yung dala namin, kundi lapis at papel.
Pero hindi naman kasalanan ng prof namin yung nangyari ngayon. Minsan kasalanan mismo nung mga requirement ng subject yung mga paghihirap namin. Kasama kasi sa mga dapat magawa namin sa humanities namin e kunyaring-orchestra at kunyaring-play. Kaso kulang yung time namin kaya tinanong kami ni sir kung gusto ba naming ipag-combine yung dalawang arts. Um-oo kami. Minsan talaga mga estudyante rin ang nagpapahirap sa sarili nila.
Nag-umpisa nang magbigay ng division of labor si sir. Sinet-aside yung mga marunong tumugtog. Sila na ang bahala sa music ng play namin. Nagtawag na rin ng director. Pinin-point namin yung isa naming kaklaseng babae. Oks na si derek. Si scriptwriter naman. Nagvolunteer yung kanan kong kamay. Tinawag ako ni sir, at ako na ang naging opisyal na scriptwriter para sa play namin. Natuwa ako. Pangarap ko kasi talagang maging playwright. Masaya ako. Nagtalunan yung mga ideya sa utak ko kasi alam na nilang magtatrabaho na sila. Tsaka biglang sumingit ang secretary sa opisina. Pinakita sa presidente ang mga schedule na dapat na inuna. Practice set sa Major subject namin na Accounting. Reports sa Literature at Rizal. At marami pa. Tinitigan ko sa mata ang secretary. Nginitian n'ya lang ako.
Lumusot na naman ako sa isang gawaing dapat kong malagpasan, pero hindi ko alam kung magagawa ko. Pero pangarap ko talagang maging playwright. Ito na yung pagkakataon. Nasa mga kamay ko na. Kaso wala pa sa'kin yung status na "playwright", yung role pa lang ang nasa akin. Bagay na hindi pwedeng mangyari sa politika, pero laging nakikita sa gerang ang gamit ay lapis at papel. Wala lang. Trip ko lang tuligsain ang politika.
No comments:
Post a Comment