Sunday, July 22, 2012

Parang Hour Glass

"NAKU! NA NAMAN?!" tanong ng ale sa T.V..
"NAKU! NA NAMAN?!" tanong ng mama sa dyaryo..
"NAKU! NA NAMAN?!" tanong ng mga kabataang nakakabalita sa lahat ng uri ng delubyo.
"TAAS NA NAMAN?!" tanong ng ale sa T.V..
"TAAS NA NAMAN?!" tanong ng mama sa dyaryo.
"TAAS NA NAMAN?!" tanong ng mga kabataang natataasan sa lahat ng uri ng bilihin.
"PATAY NA NAMAN?!" tanong ng ale sa T.V..
"PATAY NA NAMAN?!" tanong ng mama sa dyaryo.
"PATAY NA NAMAN?!" tanong ng mga kabataang nababagabag sa lahat ng mga namamatayan.

Umiinom lang ng gatas na may Milo ang isang bata.
Nakaharap sa monitor ng laptop at malalim na nag-iisip.
Sa gitna ng lahat ng masamang balita,
may taong hindi nabubuwal sa pagkakatindig.

Para siyang walang pakiaalam sa paligid,
pero, 'wag ka, pilit niyang nilulusot ang mga balita sa isang maliit na butas.
Pilit tinutulak ang matigas na ideya sa delikadong daan.
At 'pag nakaraos, maraming ang masasagasaan.
Kasama ang mga taong pagtatanong lang ang alam.

Pero walang mangyayari.
Sisisihin ulit nila ang tinalagang autoridad
na parang mas may alam pa sila.
Mauulit lang ng mauulit ang bulok na ugali at ang lantutay na sistema.

"NAKU! NA NAMAN?!" tanong ulit ng mga taong nakakabalita sa lahat ng uri ng delubyo.
"TAAS NA NAMAN?!" tanong ulit ng mga taong natataasan sa lahat ng uri ng bilihin.
"PATAY NA NAMAN?!" tanong ulit ng mga taong nababagabag sa lahat ng mga namamatayan.

No comments:

Post a Comment