Friday, June 8, 2012

Kuru-kuro lang sa Demokratikong Pilipinas

Kahapon, nagkita-kita kami ng mga kaibigan ko, bonding lang bago man lang kami magkahiwa-hiwalay  sa pasukan. Naging maganda yung kwentuhan namin. Hanggang sa napunta kami sa uri ng gobyerno ng iba't ibang bansa, sa produkto na "Made in China", at sa huli e sa gobyerno ng bansa, sa kasalukuyang administrasyon, sa K+12, at sa kung paano ba sumibol ang mga 'yon. Dahil do'n, marami akong naging kaisipan habang naghuhugas ng pinggan kanina. Katulad ng kung ang pagiging aktibista ba ay matatawag ba talagang rebelyon. Kung ang autoridad ba ay nasa gobyerno. Kung ang responsibilidad ba ay nasa mamamayan.

Democratic ang bansa natin. Kung iisiping mabuti, ang highest authority na tumatakbo dito dapat ay ang pinakamalaking lupon ng tao, at hindi ang gobyerno. Kung iisiping mabuti, wala sa kalingkingan ng kapangyarihan ng pinagsamang masa ang kapangyarihan ng pangulo. Kung iisiping mabuti, walang gobyerno kung walang tao. Tayo ang nagbigay ng kapangyarihan sa kanila, kaya mas makapangyarihan nga tayo. Mas higit tayo sa gobyerno.

Pero ano bang nangyayari ngayon? Ang tingin ko e hinahayaan lang natin na mahigitan tayo ng mas mababa sa'tin; at hindi pagpapakumbaba ang tawag d'on, kun''di katangahan. So, hindi pa ba tayo kikilos? Magsama-sama tayong mamayan ng Pilipinas! Magkapit-bisig tayo upang labanan ang kahirapan, HINDI ANG GOBYERNO.  Upang labanan ang kakulangan sa edukasyon, HINDI ANG GOBYERNO.  Upang labanan ang tunay na problema ng mga nagmamalasakit sa naghihingalong bansang sa atin, HINDI ANG GOBYERNO. Oo, tama. Hindi ang gobyerno ang kalaban na'tin.

Pero ano 'tong nakikita ko? Bakit 'pag hindi makakain ang kababayan na'tin e pinapasa na'tin ang sisi sa gobyerno? 'Pag sira-sira ang paaralan e gobyerno ang sinisisi na'tin. 'Pag bang dami mong anak at hindi mo sila mapakain ng matino, sa gobyerno napupunta ang sisi. Lahat ng pagkukulang na'tin, gobyerno ang may kasalanan. Sino ba talaga ang dapat kumilos, gobyerno o tayo? Teka, 'di ba sa isang demokratikong bansa, ang mamamayan ang pinakamakapangyarihan? Tapos, with great power comes great responsibilty, 'di ba? E bakit pinapasa na'tin ang responsibiladad na'tin na alagaan ang bawat isa at ang bansa mismo sa gobyerno? Ano ba talaga? Ahahaha, naguguluhan na ako sa sinsulat ko! *EksDi

Balikan natin ang pagiging aktibista. Rebelyon ba 'yun? Kung tatanggapin nating ang pinakamakapangyarihan sa bansa ay ang masa, hindi sila nagrerebelde, dahil ang nilalabanan naman nila ay ang gobyerno. Kaso ang mali sa kanila ay ang paglaban, o ang pagsisi, mismo nila sa gobyerno, dahil hindi naman ang gobyerno ang kalaban. Kumbaga e, barking on the wrong tree.


Sa isang bansang mas ginagamit ang hintuturo kesa sa utak, ang "responsibility" ay pinapasa; ang "authority", inaangkin. Astig, kaso pangit. Haay, gutom na 'ko, kain muna tayo.








Friday, June 1, 2012

Ang pagpaplano ay isang metodikal na bagay para sa mga metodikal na tao. Hindi ako metodikal na tao. Kaya hindi para sakin ang pagplano.

Hindi ko yun masyadong trip. Bukod sa nakakatamad, madalas pang ang mga pinaplano ko e hindi naman nasusunod. Alam mo yon? Yung tipong nakapagplano na kayo ng strategy sa DotA tas biglang wala pala kayong mapaglalaruan. Tas maguuwian na yung kasama mo hanggang sa mauwi ka na rin sa pag-uwi mo. Wala na. Ang masakit sa pagpaplano e yung tipong nag-e-expect ka na ng magandang kalalabasan. Tas pangit yung lumabas. Ayun, mawawala ka na sa mood. Kahit ano kasing sabihin mong hindi ka mag-a-anticipate ng magandang kalalabasan e nag-a-anticipate ka pa rin. Madalas mangyari sa'kin yan, kaya natuto akong hindi umasa sa pagpaplano. Hindi na ako umaasang pag pinagplanuhan nyo ng alas tres ang kitaan e alas tres nga kayo magkikitakita.

Pero, kahit ganon, kung ano man ang nabitawan mong salita kahit kanino e sundin mo. May nagsabi nga sakin, kung anu man yung binatawan mong salita e wag mong babawiin. Nakakainis kasi yun...