Sunday, March 11, 2012

Ang Buhay, Parang Tetris 'Yan

Ang buhay, parang tetris 'yan,
Sabog ang binibigay na pieces.
Oo, may clue, pero kulang,
Kasi limitado lang 'yung alam mo.
Bawat bagsak, dapat sakto,
'Pag hindi, makikipagunahan ka na sa oras.
At kung mali-mali pa rin 'yung bagsak mo,
Maayos mo pa rin naman,
'Wag ka lang tatamarin.
Madalas kasi ng nasisira,
Katamaran lang ang dahilan.
'Wag magmadali 'pag hindi kaya.
'Wag pilitin 'pag hindi kaya.
'Wag subukan kung hindi kaya.
'Wag maniwalang hindi mo kaya.
Kasi ang buhay, hindi 'yan tetris.
Nakakabigla ang binibigay pero hindi sabog.
Hindi kulang, kaso walang ibang clue...
Walang iba kundi karanasan lang.
Limitado ang alam mo,
Pero sapat na para mabuhay ka.
Bawat bagsak, swerte 'pag sakto.
Kaya madalas kang maghahabol sa oras.
Susunod na malalaman mo,
Pamali-mali at tinatamad ka na.
Hindi masamang tamarin,
Pero dapat sapat lang para sa pahinga.
Kaya 'wag kang masyadong tatamarin.
Lahat ng nasisira, dahil sa sobrang katamaran lang.
LANG.
Subukan mo ang buhay at tumawa ka.
Kaya mo, kasi kaya ng iba.
Subukan mo ang buhay at 'wag mong seryosohin.
Ang seryoso, pikon.
Ang pikon, talo.
Mabuhay ka at maging masaya.
At ang buhay mo ay hihigit na
Sa isang larong puno ng walanghanggang limitasyon
At ng mga ispasyong simbolo ng pagiging mangmang.

No comments:

Post a Comment