Wednesday, January 25, 2012

Inspired by Sadness

Isa sa mga pinaka-iniiwasan kong pangyayari sa buhay ko e 'yung magsusulat ako ng ayon lang sa gusto ko (pero ayoko rin naman nung pinipilit ako, e.g. essay writing sa algebra). Alam mo ba kung bakit? Kasi, 'pag nagsusulat na ko, alam ko na ang ibig-sabihin ng isipan ko--nalulungkot na ako...at 'pag nalulungkot ako, ang nararamdaman ko para akong nag-iisa, walang kaibigan, walang nagmamahal, o hindi makapag-balance ng mga dapat i-balance sa accounting.

Pero, alam mo bang isa sa mga mortal kong kahilingan e maging manunulat? Ang paradox ng pangarap ko, gusto kong maging manunulat pero ayokong dumating 'yung time na nagsusulat ako. Siguro isa lang ang dahilan kung bakit ako nagsusulat: sa panahon na ginugugol ko sa pagsusulat, bagama't ang motivator ko para dun e lungkot, unti-unting pumapasok sa kokote ko na mas marami pang bagay na dapat ikasiya kaysa ikalungkot, na lagi akong may Kasama, may Kaibigan, MGA nagmamahal, at hindi ko lang naisulat 'yung income expense sa worksheet. Ang resulta, nawalala na sa sistema ko yung lungkot na hindi mawala sa pag-untog ng ulo sa pader o pagkitil sa sariling buhay. Kumbaga e kumakain ako ng lungkot, at dahil dun may nailalabas ako sa isip ko sa pamamagitan ng pagkilos ng kamay ko. Ngayon, kung bakit naisipan ko pang gumawa ng blog para magsulat, naisip ko kasing dahil sa epektibong labasan at pantanggal ng lungkot ang pagsusulat para sa 'kin, pwede akong makatulong sa 'yo sa pagbabago ng negatibo mong persepsyon sa mundo o sa taong nakapaligid sa 'yo patungo sa mas maliwanag na pag-iisip at pagtanggap sa mga bagay-bagay. Naisip ko pa nga noon na magtanung-tanong ng problema sa kahit kanino ta's pagninilaynilayan ko 'yun para makapagsulat. Kaso hindi ko na nagawa. Madalas kasi akong nabubulunan sa sarili kong lungkot. At alam kong bago ko pa matulungan ang iba, dapat matulungan ko muna ang sarili ko.

Ayan, wala na yung lungkot na nagtulak sa'kin magsulat ng introduction, at naituloy na ng kasiyahan ko ang body ng essay na 'to. Bilang conclusion, mag-iiwan ako ng mensaheng alam na ng marami kaso kaunti lang ang pumapansin:

hindi ka nag-iisa, at hindi ka mag-iisa kung hindi mo pipiliing maging mag-isa kasi nga hindi ka nag-iisa, pero kung pipiliin mong maging mag-isa, ang mga tumutulong sa'yo para hindi ka maging mag-isa ay hindi magtatagal iiwan kang nag-iisa; therefore, isa lang ang tanging dahilan ng pag-iisa, at yun ay ang kung pinili mong maging mag-isa.

No comments:

Post a Comment