unang araw...
tagpuan: sa isang bakanteng lote at sa kalsada; hapon, medyo maalinsangan
"HOY!!! UMALIS KAYO RITO!!! TERITORYO ITO NG AMO KO!!!"
pangalawang araw...
tagpuan: sa isang bakanteng lote at sa kalsada; tanghali, tuyo at mainit
"HOY!!! UMALIS KA RITO!!! TERITORYO ITO NG AMO KO!!!"
pangatlong araw...
tagpuan: sa isang bakanteng lote; tanghali, medyo mainit, umaambon-ambon
"..."
pang-apat na araw...
tagpuan: sa isang bakanteng lote at sa kalsada; papahapon, maalinsangan
"HOY!!! TERITORYO 'TO NG AMO KO!!!"
panglimang araw...
tagpuan: sa isang bakanteng lote; gabi, medyo malamig
"..."
pang-anim na araw...
tagpuan: sa isang bakanteng lote; tanghali, umuulan
"amo ko, nababasa na ako..."
pampitong araw...
tagpuan: sa isang bakanteng lote at sa kalsada; tanghali, mainit
"HOY!!! TERITORYO KO 'TO!!! UMALIS KAYO RITO!!!"
pangwalong araw...
tagpuan: sa isang kalsada; gabi, medyo malamig
"Ahahahaha! Iuuwi na ko ng amo ko, yehey!"
pangsiyam na araw...
tagpuan: sa isang bakanteng lote; hapon, medyo mainit
"Hala, bakit n'yo ko ibabalik dito?"
pangsampung araw...
tagpuan: sa isang bakanteng lote at sa kalsada; tanghali, umaambon-ambon
"HOY!!! UMALIS KAYO DITO!!!"
panglabing-isang araw...
tagpuan: sa isang bakanteng lote; hapon, malakas ang ulan
"Hala, nababasa na ako, nasisira na 'yung bubong ko..."
...
pandalawampu't anim na araw...
tagpuan: sa isang bakanteng lote at sa kalsada; gabi, malamig at umuulan
"HOY! Tulungan mo ko! AYOKO NA RITO!"
pandalawampu't pitong araw...
tagpuan: sa isang bakanteng lote at sa kalsada; tanghali, medyo umaambon-ambon
"Hoy, bata, makatingin ka ah...hindi mo ba alam na sa amo ko 'yang kalsadang tinatapakan mo? UMALIS KA D'YAN!!!"
***based on true story... totoong buhay ng asong nakatali na lang sa bakanteng lote sa harap ng bahay namin, araw-araw kong nakikita...aampunin ko sana kung wala lang may nagmamay-ari sa kanya...
Tuesday, September 20, 2011
Friday, September 16, 2011
90/10
tunog date ng terrorist attack ba? mali. kasi isa yang principle na naituro samin ng prof namin sa management. ayon sa principle na 'to na binuo ni... uhm... nakalimutan ko na kung sino... siyam na 'pung porsyento ng buhay ng isang tao (ito yung "90" sa title) ay nasa saayon sa kanyang reaksyon sa natitirang sampung porsyento (ito naman yung "10") na nasa labas ng kanyang bakod. magbibigay ako ng isang halimbawa ng pagkakaiba ng mali at sa tamang pagri-react sa 10%.
hindi na nag-reply ang nobya mo sa 'yo mula pa kaninang nakaraang sampung minuto. uminit ang ulo mo kasi ayaw mong pinaghihintay ka n'ya. tinadtad mo s'ya ng text pero hindi pa rin s'ya nagrereply. hindi ka na nakapag-review dahil nabadtrip ka na sa kanya. makaraan ang isang oras, nagtext na s'ya. naktulog pala s'ya kaya hindi nya nagawang makapagreply. nagalit ka sa kanya. sinabihan mo s'ya ng masasakit na salita. nagkagalit kayo at hindi mo s'ya ni-reply-an kahit todo-todo na ang pagsosori n'ya sa'yo. bago matulog, mukhang may nasira KA pang isang magandang relasyon. at nakalimutan mong may mga assignment pa pala kayo sa Filipino at Biology. nagpuyat ka para matapos ang mga 'to. hindi mo na nagawang matulog dahil maaga pa ang pasok mo bukas. kaso bago ka maligo, nahiga ka muna sandali. pagkagising mo, tanghali na. late na ang mga assignment mo at hindi ka na bibigyan ng special exam sa Trigo. nabasa mo pa sa text ng nobya mo sa'yo na makikipaghiwalay na siya, kahit anniversary n'yo na nang araw na 'yon. lumabas ka ng bahay para magpasagasa, pero tumakbo ka pabalik sa bahay at pumasok sa kwarto mo, kasi alam mong hindi mo kayang tapusin ang buhay mo.
napakasawing-palad, hindi ba? ngayon, kung tatanungin kita, bakit nagkaganyan ang buhay mo sa panahong 'yon?
a) dahil sa nobya mo
b) dahil sa nagpuyat ka
c) dahil nakatulog ka
d) dahil sa naging reaksyon mo n'ong una
kung ang sagot mo ay "a", wala kang hiya. pero kung "d" ang sagot mo, may tama ka. ngayon, isipin mo, pano kung hindi naging gan'on ang reaksyon mo sa loob ng limang segundo matapos ang sampung minutong hindi s'ya nakapag-reply? isipin mo kung hindi ka nagalit sa nobya mo n'ong hindi s'ya nagreply. e di sana, may oras ka ng makapag-review sa trigo kahit kaunti. at isipin mo, kung hindi ka nagpadala sa galit mo nung nag-reply s'ya at sinabi mo na lang na, "cge, ok lng pu, bsta nxt tym, itxt nyu q pag inaantok n kau pra ndi aq nagaalala pag di kau ngreply bgla,". pagkatapos, maaalala mong may mga assignment ka pa at nagawa mo na 'to habang nagte-text kayo, at bago matulog, nilambing mo s'ya ng kaunti bago matulog at pinatawad na s'ya, hindi ka na napuyat. nagising ka ng maayos at maaga. nakapasok ka ng maayos at napasa mo ang mga assignment at nakapag-exam ka sa trigo, kahit marami ka lang hinulaan. nagkita kayo ng nobya mo para sa date n'yo pagkatapos ng klase n'yo, at naging masaya ang araw mo.
nakita mo ang pagkakaiba? tandaan: labas sa kontrol mo ang antok ng mahal mo, pero sampung porsyento lamang ito ng magiging buhay mo. hawak mo ang natitira pang siyam na 'pung porsyento. maging flexible ka sa paghawak sa mga bagay. hindi lahat ng nasa paligid mo ay kaya mong hawakan. bakit mo hahayaang masira ang araw mo dahil sa 10% na hindi mo makontrol? may 90% ka pa na pwede mong manipulahin, at naaayon lang ito sa magiging reaksyon mo sa 10%.
ang 90/10 principle ay hindi masyadong kilala, pero garantisado itong pangtanggal ng stress sa mga businessman. try n'yo. walang masama sa pagsubok dito, at makikita n'yo mismo sa sarili n'yo ang magandang maidudulot nito.
*based on the 90/10 Principle of Stephen Covey
*ang balangkas ng artikulong ito ay naaayon sa http://www.boreme.com/posting.php?id=9181&page=1
(kaka-search ko lang ngayong 9-27 ahehehe,)

Thursday, September 1, 2011
Secondary Claim
Malakas ang ulan nang gabing iyon.
Animong ungol ng mabalahibong halimaw ang ugong ng hanging pumapasok sa mga eskinita sa lugar na iyon na sobrang laki. Mistulang mga bala ng baril na sumasabog nang tuluy-tuloy ang tumatama at tumatagos sa mga bubungan ng mga bahay ng mga pamilyang nagtitiis sa lamig at dilim na gawa ng delubyo.
Kalaban ng tao ang Kalikasan noon. Ang Haring Hangin ay umihip ng ilang beses na tumangay sa lahat ng bubong na walang sapat na lakas na kumapit sa isinisilong nito. Ang bahay na gawa sa bato, bagama 't nakaligtas sa hagupit ng hangin, ay nilibing naman ng Haring Lupa, kasama ang mga sawing palad na hindi nakinig sa anunsyo ng paglikas sa lugar na iyon. Ang mga bahay na binuo malapit sa ilog at estero ay nilamon at pumailalim sa tiyan ng Haring Tubig. Sa gitna ng delubyong ito na mistulang pinagplanuhan ng mga Hari, isang maliit na parte ang natira. Malayo ito sa ilog at estero-- dahil dito, hindi na ito naabot pa ng gahamang Haring Tubig. Malayo ito sa paanan ng bundok-- hindi na ito natapakan ng mapagpaimbabaw na Haring Lupa. Sentro ng kaunlaran ang bahaging iyon, at dahil dito ay hindi na nagawa pang itumba ng mayabang na Haring Hangin ang mga nakatayo rito.
Kumulog ng malakas at nagpatuluy-tuloy ito. Sa bawat pagsigaw ng Haring Langit ay napipipi ang iba pang Hari ng ilang sandali. Kumidlat ng napakalaki at sunud-sunod itong nangyari. Sa bawat kumpas ng kanyang panulat sa langit nahahayag ang gawa ng paghihiganti ng kalikasan sa sanlibutan. Hindi pa tapos ang pagsugod ng kalikasan. Ang dating pirma ng Haring Langit sa kanyang nasasakupan, dumikit na sa lupa. Ginising ng kanyang kumpas sa lupa ang isa pang Hari sa Kalikasan: ang Haring Apoy, na nagpagamit ilang sandali lang bago siya magngalit sa mga naninirahan doon, gaya ng iba pang Hari. Nang gabing iyon ay winawasak niya ang pinaghirapang buuin at itayo ng mga tagaroon, gaya ng iba pang Hari.
Nawasak ang natitirang bahagi ng lugar dahil sa gutom ng Haring Apoy. Maski ang ilang mga panaka-nakang nakakaligtas ay kinain niya na rin. Napagod na ang mga Hari at unti-unting huminahon. Pabugsu-bugso na lang ang Haring Hangin. Nakatulog na ang Haring Lupa. Naglalaro na lang ang Haring Tubig at nagpapakasasa sa luha ng Haring Langit na naghihinagpis sa ginawa ng tao sa pamilya niya. Ang Haring Apoy ay umuubu-ubo na at unti-unting namatay, naghihintay sa oras na muling siyang buhayin mula sa pagkakahimlay.
Lumalakas ang ulan ngayong tanghali. Nagbabadya ang Kalikasan sa muling pagsalakay.

Subscribe to:
Posts (Atom)