Kaibigan
Ayusin mo, siya'y iyong ingatan,
pangitiin mo s'ya palagi,
at lubos na pasiyahin.
Nagmamahal
Ahy, bakit may "charing" na kasama?
Minamahal
Kaya nga aking binawi, at siningitan ng "hindi",
mahal nga kita, walang birong kasama.
Nagmamahal
Naaarok kong ganap ang iyong sinasambit,
kaya dito sa puso ko, wala kang kapalit.
Minamahal
Kaya naman sa tingin ko'y batid mo na,
kung bakit ikaw nga ba at wala nang iba
ang tinitibok ng puso ko.
Nagmamahal
Aking iya'y nakukuha,
at sasabihin pa ba,
mahal kita at walang ibang uubra.
Minamahal
Ikaw ay mistulang hangin--
bagama't hindi mahuli ng paningin,
pag-ibig na alay mo'y damang dama ko pa rin,
kaya umasang puso'y sa 'yo lamang ibibigay,
pangako 'yan habambuhay.
Nagmamahal
Ang pangako mo'y aariing ganap,
o, prinsesa kong sakdal dilag,
makilala ka'y pagpapala,
makasama ka'y pangarap.
Minamahal
Hindi man ako katulad ng mga prinsesa sa libro--magara at magarbo,
nguni 't nais kong malaman mo,
na sa puso ko, nag-iisa ka lamang sa trono.
Nagmamahal
Ang tronong iya'y lubos na yayakapin,
at hindi hahayang marumihan,
hindi hahayaang magkaron ng dapurak,
pangako ko 'yan sa iyo, aking giliw.
Minamahal
Sa iyong mga sinambit, damdamin ko'y panatag,
na lumaon man ang panahon at tubuan ng uban,
ako'y masayang kamay mo ang hawak.
Nagmamahal
Akin nang nasisilayan ang ating kinabukasan,
na kung minsa'y sasakay tayo sa jeep,
at aking sasabihin, "manong dalawang senior citizen nga,".
Minamahal
Ako'y labis na pinagpala, at pinagkaloob ka Niya,
sa tingin ko'y sa lahat ng biyaya,
sa 'yo'y wala nang hihigit pa,
makasama kang tumanda ay sobra-sobra,
winner na, panalo pa!
Tuesday, June 28, 2011
Thursday, June 23, 2011
"Para sa pito pa niyang kapatid..."
Normal lang naman ang buhay kolehiyo ko mula sa pagpasok hanggang sa pag-uwi-- mga bulaklak ng sampalok at mangga sa kalsada sa daanan, panakanakang pagpatak ng naipong tubig ulan sa mga dahon, may lesson na tinuturo sa pilosopong paraan, at mausok na byahe. Hindi rin mawawala ang pagtingin sa paligid sa pag-asang may pamilyar na mukha kang makikita. Normal lang sana.
Kung hindi lang sana sa mga batang biglang pumapasok sa jeep para punasan ang sapatos mo, o kung minsan kahit nakatsinelas ka, pinupunasan pa rin nila. Para silang mga batang robot na pinatatakbo ng isang malaking remote control na mas kilala bialng "sindikato"(na sana ay hindi totoo). Ang iba pang bersyon ng mga "sindicate kids" na 'to ay mga magkakapatid na may mga improvised na tambol na walang matinong musikang inilalabas 'pag pinupukpok. At ang iba naman ay may mga dalang sobreng may nakasulat sa likod na "ate at kuya, penge pong pera pambili ng mga damit at pagkain salamat po". Bakas sa mga itsura nila na pinababayaan sila ng kung sino mang walang kwentang nag-luwal sa kanila.
Ewan ko lang sa inyo, pero marami na kong napapanood na dokumentaryo patungkol sa mga batang biktima ng kahirapan. Nakapanood ako ng mga batang umaakyat sa mga trak ng basura upang mangalakal. Delikado ang trabahong ito kahit sa mga matatanda, ngayong umaandar pa naman ang trak na inaakyat nila. "Jumper" ata 'yung tawag sa kanila. Nakakakilabot. Nakakadiri. Nakakaawa.
N'ong tinanong ng reporter (sa pagkakaalala ko, o baka iniimbento ko lang ata) kung bakit nila binabanat ang buto nila sa pamamagitan ng trabahong nagbibingit sa kanilang kamatayan, pare-parehas lang ang sagot nila, "para po may panggatas 'yung kapatid ko,". At hindi sila dalawa lang ang anak ng mga magulang nila, kundi walo sila. Sa madaling salita, parang 'yung populasyon ang nagiging dahilan ng kahirapan ng bansa natin. Sa gan'ong pag-aakala, siguro, kaya naisip ng ilang may kapangyarihan na ipasa sa kongreso ang mainit na isyu ngayon na "RH Bill".
Anti ako sa RH Bill, dahil hindi ako naniniwalang may kinalaman ang laki ng populasyon sa kahirapan, kasi ang pagkakaalam ko, human resource ang populasyon. Hindi lang maayos ang paggamit sa malaking populasyon dito sa bansa, kumbaga e hindi naa-allocate ng maayos ang human resource natin, kasi hindi pinag-aaral ng matino ng pinakaimportanteng bahagi ng bansa (ang pamilya) ang mga batayan talaga ng kaunlaran (ang mga bata). Anti rin ako sa bill na 'to kasi naniniwala akong itutulak nito ang mga kabataan na subukan ang ginagawa lamang dapat ng mga mag-asawa. Ito-tolerate kumbaga nito ang gumagapang na tukso sa kalamnan ng mga kabataan. Anti rin ako, kasi sabi nga sa gm na na-receive ko, "if you want to have sex with the one you really love, the best protection is not condoms or pills, but marriage,". Tsaka, may napanood pa akong video na ang pagbaba ng fertility rate sa isang bansa ay pagkawala ng culture et al ng bansa. Ipo-post ko sana sa fb, kaso marami kasing dislikes sa statistic n'ong video. Search n'yo na lang sa youtube, demographics problem. 'Yung may symbol ng Islam.
Sige, mukhang kailangan ko na 'tong itigil dito, marami pa kasing ginagawa, ahehe.

Saturday, June 18, 2011
College life like Collage
Ikasampung try ko na 'to ng pagsusulat dito. Kaladkarin na kasi yung laptop namin (tinatapatan na nga namin 'to ng electric fan!), kaya bigla-bigla na lang nago-auto off. Galing, panira ng excitement...
Hmm, napansin ng isang matalik kong kaibigan na mali ang pagkaka-spell ko ng "busy" dito. "Buisy" kasi yung pagkaka-spell ko, ahehe, wala talaga akong kakayahan pagdating sa spelling. Kung algebra lang siguro ang gamit sa pagi-spell, siguro may mabubuga pa ako.
Tahimik ang paligid. Hindi ko maintindihan kung bakit malakas ang tibok ng puso ko, pero hindi naman ako kinakabahan. Nakikiramdam lang ako sa loob ng kwarto. Patagong nakikinig sa mga pinag-uusapan ng palaka-lakang nagpapakilala sa katabi. Para akong bulag na nangangapa sa maghapong dilim. Sa umpisa ng klase, isa lang ang naging polisiya ko--ang hindi umusap kung hindi kinakausap. Pero, bago pa man matapos ang araw na 'yon sa eskwela, nagawa ko na 'tong suwayin, ahehe. Masarap kasing kasama ang mga kaklase ko. Naramdaman kong hindi ako malulungkot sa paligid ng mga taong iyon.
Pero, syempre, hindi ko 'yon mararamdaman kung hindi ko piniling maramdaman 'yon. Kumbaga sa paggagawa ng isang collage, dapat hindi isama ang nasa paligid ng dapat mong isama. Kasi, kung hindi mo tatanggalin ang hindi magandang isama, magiging pangit ang proyekto mo (alam ko 'yon kasi laging gano'n ang nagiging itsura ng collage ko 'pag natapos na ako). At syempre, dapat pulido rin ang pagkakagupit mo, hindi 'yung nadadamay 'yung mukha ng artista, o gulong ng kotse, o monitor ng laptop. Ganyan ang buhay kolehiyo-- dapat pinipili mo nang maayos ang pahahalagahan mong alaala, at depende sa mapipili mong aalalahanin ang tagumpay na mararating mo. Maswerte nga tayong nagkokolehiyo. Kahit nakakapraning ang ideyang may apat o limang taon ka ulit na gagastusing panahon sa gawain ng paggugupit at pagdidikit, hindi na masama ang mahabang oras na ito sa paggagawa ng isang magandang obra. At ang obrang iyon ay ang propesyonal mong personalidad na hindi mababago at magigiba ng kung sino lang.
Ok. Siguro tatapusin ko na rito 'yung pagsusulat ko, kasi baka mamatay pa 'tong laptop at mabura NA NAMAN ang nasulat ko na, ahehe.

Subscribe to:
Posts (Atom)