yan, maayos na ulit yung laptop, hindi na tinatapatan ng electricfan! galing ni kuya e,, ahehehe...
matagal din akong walang naisulat, busy sa accounting! haay, pero enjoy naman...gan'on naman talaga, 'pag mahihirap talagang bagay, enjoyin mo lang, oks na...
hmm, marami akong gustong isulat kaso ayoko, ewan! nakakatamad kasi 'pag nakaupo na ko sa harap ng laptop e, maraming gustong gawin 'yung kamay ko sa keyboard kesa sa pagta-type,, haay, next time na lang siguro, 'pag ok na 'yung utak ko ta's madulas na, tsaka 'pag organisado na 'yung utak ko para makapagsulat, puro accounts kasi nasa isipan ko, weee,,
ahy, s'ya nga pala, kinatay na raw 'yung asong naging bida sa isang entry ko rito, wala nang maingay at nangangahol sa'kin 'pag umuuwi ako, hindi na s'ya mahihiripan sa munti n'yang silong,, hmm, naisip ko tuloy, kung mahihirapan lang ang isang hayop, mas ok na SIGURO kung mawawala na 'yung buhay n'yang nagagastos n'ya ng wala sa natural n'yang pamumuhay, o maski man lang ng maayos,,
Monday, November 28, 2011
Tuesday, September 20, 2011
ARFGH!!!
unang araw...
tagpuan: sa isang bakanteng lote at sa kalsada; hapon, medyo maalinsangan
"HOY!!! UMALIS KAYO RITO!!! TERITORYO ITO NG AMO KO!!!"
pangalawang araw...
tagpuan: sa isang bakanteng lote at sa kalsada; tanghali, tuyo at mainit
"HOY!!! UMALIS KA RITO!!! TERITORYO ITO NG AMO KO!!!"
pangatlong araw...
tagpuan: sa isang bakanteng lote; tanghali, medyo mainit, umaambon-ambon
"..."
pang-apat na araw...
tagpuan: sa isang bakanteng lote at sa kalsada; papahapon, maalinsangan
"HOY!!! TERITORYO 'TO NG AMO KO!!!"
panglimang araw...
tagpuan: sa isang bakanteng lote; gabi, medyo malamig
"..."
pang-anim na araw...
tagpuan: sa isang bakanteng lote; tanghali, umuulan
"amo ko, nababasa na ako..."
pampitong araw...
tagpuan: sa isang bakanteng lote at sa kalsada; tanghali, mainit
"HOY!!! TERITORYO KO 'TO!!! UMALIS KAYO RITO!!!"
pangwalong araw...
tagpuan: sa isang kalsada; gabi, medyo malamig
"Ahahahaha! Iuuwi na ko ng amo ko, yehey!"
pangsiyam na araw...
tagpuan: sa isang bakanteng lote; hapon, medyo mainit
"Hala, bakit n'yo ko ibabalik dito?"
pangsampung araw...
tagpuan: sa isang bakanteng lote at sa kalsada; tanghali, umaambon-ambon
"HOY!!! UMALIS KAYO DITO!!!"
panglabing-isang araw...
tagpuan: sa isang bakanteng lote; hapon, malakas ang ulan
"Hala, nababasa na ako, nasisira na 'yung bubong ko..."
...
pandalawampu't anim na araw...
tagpuan: sa isang bakanteng lote at sa kalsada; gabi, malamig at umuulan
"HOY! Tulungan mo ko! AYOKO NA RITO!"
pandalawampu't pitong araw...
tagpuan: sa isang bakanteng lote at sa kalsada; tanghali, medyo umaambon-ambon
"Hoy, bata, makatingin ka ah...hindi mo ba alam na sa amo ko 'yang kalsadang tinatapakan mo? UMALIS KA D'YAN!!!"
***based on true story... totoong buhay ng asong nakatali na lang sa bakanteng lote sa harap ng bahay namin, araw-araw kong nakikita...aampunin ko sana kung wala lang may nagmamay-ari sa kanya...

Friday, September 16, 2011
90/10
tunog date ng terrorist attack ba? mali. kasi isa yang principle na naituro samin ng prof namin sa management. ayon sa principle na 'to na binuo ni... uhm... nakalimutan ko na kung sino... siyam na 'pung porsyento ng buhay ng isang tao (ito yung "90" sa title) ay nasa saayon sa kanyang reaksyon sa natitirang sampung porsyento (ito naman yung "10") na nasa labas ng kanyang bakod. magbibigay ako ng isang halimbawa ng pagkakaiba ng mali at sa tamang pagri-react sa 10%.
hindi na nag-reply ang nobya mo sa 'yo mula pa kaninang nakaraang sampung minuto. uminit ang ulo mo kasi ayaw mong pinaghihintay ka n'ya. tinadtad mo s'ya ng text pero hindi pa rin s'ya nagrereply. hindi ka na nakapag-review dahil nabadtrip ka na sa kanya. makaraan ang isang oras, nagtext na s'ya. naktulog pala s'ya kaya hindi nya nagawang makapagreply. nagalit ka sa kanya. sinabihan mo s'ya ng masasakit na salita. nagkagalit kayo at hindi mo s'ya ni-reply-an kahit todo-todo na ang pagsosori n'ya sa'yo. bago matulog, mukhang may nasira KA pang isang magandang relasyon. at nakalimutan mong may mga assignment pa pala kayo sa Filipino at Biology. nagpuyat ka para matapos ang mga 'to. hindi mo na nagawang matulog dahil maaga pa ang pasok mo bukas. kaso bago ka maligo, nahiga ka muna sandali. pagkagising mo, tanghali na. late na ang mga assignment mo at hindi ka na bibigyan ng special exam sa Trigo. nabasa mo pa sa text ng nobya mo sa'yo na makikipaghiwalay na siya, kahit anniversary n'yo na nang araw na 'yon. lumabas ka ng bahay para magpasagasa, pero tumakbo ka pabalik sa bahay at pumasok sa kwarto mo, kasi alam mong hindi mo kayang tapusin ang buhay mo.
napakasawing-palad, hindi ba? ngayon, kung tatanungin kita, bakit nagkaganyan ang buhay mo sa panahong 'yon?
a) dahil sa nobya mo
b) dahil sa nagpuyat ka
c) dahil nakatulog ka
d) dahil sa naging reaksyon mo n'ong una
kung ang sagot mo ay "a", wala kang hiya. pero kung "d" ang sagot mo, may tama ka. ngayon, isipin mo, pano kung hindi naging gan'on ang reaksyon mo sa loob ng limang segundo matapos ang sampung minutong hindi s'ya nakapag-reply? isipin mo kung hindi ka nagalit sa nobya mo n'ong hindi s'ya nagreply. e di sana, may oras ka ng makapag-review sa trigo kahit kaunti. at isipin mo, kung hindi ka nagpadala sa galit mo nung nag-reply s'ya at sinabi mo na lang na, "cge, ok lng pu, bsta nxt tym, itxt nyu q pag inaantok n kau pra ndi aq nagaalala pag di kau ngreply bgla,". pagkatapos, maaalala mong may mga assignment ka pa at nagawa mo na 'to habang nagte-text kayo, at bago matulog, nilambing mo s'ya ng kaunti bago matulog at pinatawad na s'ya, hindi ka na napuyat. nagising ka ng maayos at maaga. nakapasok ka ng maayos at napasa mo ang mga assignment at nakapag-exam ka sa trigo, kahit marami ka lang hinulaan. nagkita kayo ng nobya mo para sa date n'yo pagkatapos ng klase n'yo, at naging masaya ang araw mo.
nakita mo ang pagkakaiba? tandaan: labas sa kontrol mo ang antok ng mahal mo, pero sampung porsyento lamang ito ng magiging buhay mo. hawak mo ang natitira pang siyam na 'pung porsyento. maging flexible ka sa paghawak sa mga bagay. hindi lahat ng nasa paligid mo ay kaya mong hawakan. bakit mo hahayaang masira ang araw mo dahil sa 10% na hindi mo makontrol? may 90% ka pa na pwede mong manipulahin, at naaayon lang ito sa magiging reaksyon mo sa 10%.
ang 90/10 principle ay hindi masyadong kilala, pero garantisado itong pangtanggal ng stress sa mga businessman. try n'yo. walang masama sa pagsubok dito, at makikita n'yo mismo sa sarili n'yo ang magandang maidudulot nito.
*based on the 90/10 Principle of Stephen Covey
*ang balangkas ng artikulong ito ay naaayon sa http://www.boreme.com/posting.php?id=9181&page=1
(kaka-search ko lang ngayong 9-27 ahehehe,)

Thursday, September 1, 2011
Secondary Claim
Malakas ang ulan nang gabing iyon.
Animong ungol ng mabalahibong halimaw ang ugong ng hanging pumapasok sa mga eskinita sa lugar na iyon na sobrang laki. Mistulang mga bala ng baril na sumasabog nang tuluy-tuloy ang tumatama at tumatagos sa mga bubungan ng mga bahay ng mga pamilyang nagtitiis sa lamig at dilim na gawa ng delubyo.
Kalaban ng tao ang Kalikasan noon. Ang Haring Hangin ay umihip ng ilang beses na tumangay sa lahat ng bubong na walang sapat na lakas na kumapit sa isinisilong nito. Ang bahay na gawa sa bato, bagama 't nakaligtas sa hagupit ng hangin, ay nilibing naman ng Haring Lupa, kasama ang mga sawing palad na hindi nakinig sa anunsyo ng paglikas sa lugar na iyon. Ang mga bahay na binuo malapit sa ilog at estero ay nilamon at pumailalim sa tiyan ng Haring Tubig. Sa gitna ng delubyong ito na mistulang pinagplanuhan ng mga Hari, isang maliit na parte ang natira. Malayo ito sa ilog at estero-- dahil dito, hindi na ito naabot pa ng gahamang Haring Tubig. Malayo ito sa paanan ng bundok-- hindi na ito natapakan ng mapagpaimbabaw na Haring Lupa. Sentro ng kaunlaran ang bahaging iyon, at dahil dito ay hindi na nagawa pang itumba ng mayabang na Haring Hangin ang mga nakatayo rito.
Kumulog ng malakas at nagpatuluy-tuloy ito. Sa bawat pagsigaw ng Haring Langit ay napipipi ang iba pang Hari ng ilang sandali. Kumidlat ng napakalaki at sunud-sunod itong nangyari. Sa bawat kumpas ng kanyang panulat sa langit nahahayag ang gawa ng paghihiganti ng kalikasan sa sanlibutan. Hindi pa tapos ang pagsugod ng kalikasan. Ang dating pirma ng Haring Langit sa kanyang nasasakupan, dumikit na sa lupa. Ginising ng kanyang kumpas sa lupa ang isa pang Hari sa Kalikasan: ang Haring Apoy, na nagpagamit ilang sandali lang bago siya magngalit sa mga naninirahan doon, gaya ng iba pang Hari. Nang gabing iyon ay winawasak niya ang pinaghirapang buuin at itayo ng mga tagaroon, gaya ng iba pang Hari.
Nawasak ang natitirang bahagi ng lugar dahil sa gutom ng Haring Apoy. Maski ang ilang mga panaka-nakang nakakaligtas ay kinain niya na rin. Napagod na ang mga Hari at unti-unting huminahon. Pabugsu-bugso na lang ang Haring Hangin. Nakatulog na ang Haring Lupa. Naglalaro na lang ang Haring Tubig at nagpapakasasa sa luha ng Haring Langit na naghihinagpis sa ginawa ng tao sa pamilya niya. Ang Haring Apoy ay umuubu-ubo na at unti-unting namatay, naghihintay sa oras na muling siyang buhayin mula sa pagkakahimlay.
Lumalakas ang ulan ngayong tanghali. Nagbabadya ang Kalikasan sa muling pagsalakay.

Wednesday, August 31, 2011
'La lang
tinatamad akong magsulat sa blog.
pero hindi dahil sa tinatamad akong magsulat sa blog kun di dahil sa ung laptop na ginagamit ko pangsulat sa blog e namamtay palagi.
galing, panghigop ng urge sa pagsusulat,,
haay, wala akong maisip isulat,, nagsulat lng ngaun para masbi namang dalawa nagawa kong entry sa august,,
kaso wala namng kwenta sinusulat ko,, naisip ko tuloy, kailanagan ko pa bng magsulat kung wala nmng kwenta sinusulat ko? pangkuha lang ng memory ng blogsite na to, haay, ktamad,,
bad trip ung prof nmin sa fil, ndi nagturo ng lesson, dapt ata sa mga ganon e ndi na gnwamg prof, haay,,
weee!! management ulit, soooooobrang baba ko n nmn dun, kailangan ko nang mgbasa para maretain ang scholarship,,
3 nla ang uno nmin? gusto ko tuloy lumipat dun, kaso wala nmng acct sa sa lb, sayang,,
ahaha, xD, mkpgsulat n lng,,
nkakatamd magrebyu, wag n lng kaya? kaso ayokong mkakuha ng mababa sa mga test ngaun,,
hmm, tama ba ang "mga test"? o dapat, "mga tests"? redundant na ung pgiging plural ng "test" pag nlgyan ko na ng "mga" tas nlgyan ko pa ng "s", db? i-english mo ung "mga tests", mgiging "testss" b? haay, nakakagulo ng utak, bkt ko b to pngiisipan e may mga exam/exams pa kmi bukas!! haaay!!

Saturday, August 13, 2011
Gawing Kutsilyo ang Buto ng Manok
"BINATA, TINUHOG NG BUTO, PATAY"
(Kahapon)
Papasikat pa lang ang araw nang lumuwas si Rene sa probinsya upang surpresahin ang kasintahan sa Maynila sa pagdalaw niya. Masayang bumiyahe ang binata dahil sa naiisip nitong mga reaksyon ng nobya niya kapag nagkita na sila sa dormitoryo nito. Bitbit niya ang paboritong pagkain ng dalaga bilang pasalubong: isang buong piniritong manok na siya mismo ang nag-marinade at nagluto.
Mausok at mainit. Ibang-iba ang pinanggalingan niyang probinsiya sa siyudad. Kung mayayabong na puno't halaman ang bumabati sa kanya araw-araw sa probinsya, mayayabang na gusali at mukha ng pulitika ang sumasalubong sa kanya sa Maynila. Sa bawat oras na nagdaraan, dumarami ang nakikita niyang tao sa paligid, at lumalaki ang bilang ng sasakyang nakikipaggitgitan sa bus kung saan siya nakasakay.
Limang oras na byahe, sa wakas! Nakarating siya sa gusali na tinituluyan ng kanyang iniirog. Tinawagan niya sa cellphone ang dalaga bago man lang magpakita.
" Hon? Bakit ka napatawag? " bungad ng dalaga
" 'La lang, na-miss lang kita, " sagot ng binata
" 'Kaw talaga, sige, maya ka na lang tumawag, busy kasi ako ngayon, "
" Nasa dorm mo ba ikaw? "
" Wala po, nasa school po ako, "
Sumilip sandali si Rene sa gate, at nagulat siya nang makita ang nobya sa tapat ng kwarto na nasa ikalawang palapag ng dormitoryo.
" Talaga bang nasa school ka? " tanong ni Rene sa tonong nag-aalinlangan
" Hala, ayaw mong maniwala-- " biglang naputol ang koneksyon ng tawag ni Rene. Sumilip ulit ang binata upang makita kung nasa sa labas pa rin ang dalaga. Nasa labas pa nga. Ang kingulat niya lang ay ang isang lalaking nakagapos ang mga braso paikot sa baywang ng kasintahan niya. Hinintay niyang bitawan ng lalaki ang dalaga at hindi naman siya nabigo sa paghahantay. Bumitaw ang lalaki, kaso ang dalaga ay humarap sa lalaki at binigay ang isang bagay na si Rene lamang dapat ang tumanggap. Hindi na nagawa pang tumingin ni Rene sa nangyari.
Ilang sandali ang lumipas, matapos siyang mahimasmasan ng kaunti, makahinga ng malalim, at makapikit ng saglit, unti-unti niyang inabot ang bukasan ng gate at dahan-dahan itong pinihit. Nakita niyang nakatingin sa kanya ang nobya niyang hindi makagalaw sa pwesto at ang lalaking hindi maipinta ang reaksyon. Dahan-dahan ang malalaking hakbang ni Rene paakyat sa dalawa. " Hon, " sabi ng dalaga, " magpapaliwanag ako, " pero walang pakialam si Rene sa sinabi ng dalaga. Mula sa bag niya, hinugot niya ang plastik na naglalaman ng pritong manok na pasalubong sana niya. Pwersahan niyang pinutol ang isang binti ng manok at ibinagsak na ang iba. Pinandilatan niya ng mata ang lalaki. Kinagat niya ng mariin ang malamang bahagi ng binti at binali ang binti. Natanggal ang laman ng binti, at sumama rito ang apat niyang ngipin-- tatlo sa baba, isa sa taas. Ang nabaling binti ay naging matulis na kasangkapan. " Teka, " sabi ng lalaki " pare, lamig lang, " habang nakaakmang sumasalag. Bago pa ulit ibuka ng lalaki ang bibig niya, binaltak niya ng malakas ang kaliwang braso nito. Humaba nang ilang sentimetro ang braso ng lalaki dahil humiwalay ito sa balikat niya. Mabilis ang mga pangyayari. Bago pa lang mararamdaman ng lalaki ang sakit ng bali sa balikat, nakatuhog na ang matulis na buto ng manok sa kaliwang sentido niya, na mabilis na bumawi sa buhay niya.
Sumirit ang dugo. Napasigaw ang dalaga. Kasabay ng pagtangis niya ang pagbagsak ng bangkay ng kulasisi niya sa sahig. Nagtawag na ng mga opisyal ng baranggay at pulis ang ilan sa mga nakasaksi; ang karamihan, walang ginawa.
Isinara ni Rene ang talukap ng namumuting mata ng kalaban gamit ang kaliwa niyang hinlalato't hintuturo, at tsaka niya pinisa ang mga mata nito. Lumipad ang isipan niya... ang pagbalik ng ulirat niya, nasa presinto na siya at iniimbestigahan. Narinig niya mula sa bibig ng pinakamamahal niyang babae ang mga pinakamasasakit na pagtanggi na naranasan niya sa buhay niya: " Hindi ko s'ya boyfriend, " "Obsess lang s'ya sa 'kin kaya akala n'ya kami, " " Hindi ko s'ya minahal... "
Natapos ang lahat. Pangarap. Pag-asa. Pagtitiwala. Pagmamahal. Bago tuluyang lumisan ang dalaga sa presinto at buhay niya, nakita niyang tinignan pa siya nito. Batbat ng marka ng kasinungalingan ang mukha, nguni't ang mga mata nito'y nagpapahiwatig ng masidhing pagsisisi at paghingi ng tawad.
Dahil minor de edad, inilipat si Rene sa institusyon para sa mga batang naligaw ng landas. Sa kaniyang kwarto, tulala siyang nakatitig sa mga daliri sa kanyng mga paa. Unti-unti niyang ginalaw ang ulo niya. Kasabay ng pag-angat ng tingin niya upang tignan ang ilaw ng bumbilya sa kisame ng kaniyang kwarto, bumagsak ang naipon niyang luha. Sa isang saglit, nailabas niya ang lahat ng nagtatagong hinagpis, lungkot, at galit.
Pumikit siya at matamis na ngumiti.

Monday, July 18, 2011
Circle's End
A Ring! I saw the Light forming a Ring!
Standing on peak of the White Blade.
A Man! I saw his Blade!
Bending the Sun's rays.
Hexagon! The Sun seemed hexagon!
A very bad Omen rooted from Seer's vision.
Hands! Ten thousand emaciated Hands!
Waving cadavers in rotting pasture.
Fire! Lake of gnashing fire!
Covering, burning, gnawing.
I now am lain on heated rocks.
Caged within Gold Bars.
Cloaked by self-intoxication.
Burned skin.
Throttled throat.
Broken legs.
Broken jaw.
It's dark.
It is so dark.
The fire of hell's Torch logs through the window.
But wait...
Someone's knocking.
Someone's beyond the door.
It's opening-- and it's bright!
It's so bright.
The light...it's not coming from the fire.
It's coming form the Man!
"Stand, my lost sheep. Come with me."
Burned skin, regenerates.
Throttled throat, frees.
Broken legs, connects.
Broken jaw, assembles.
Infinite's end, finds.
My Healer.
My Savior.
My Master.
My Shepherd.
The Omega of my adversities.
The Alpha of my eternity.

Wednesday, July 6, 2011
A Puzzled Life
I am Nature's greatest miracle;
one of the Wonders of the World,
yet nature is only a mere part
of our moaning, prejudicial life.
This misanthrope of biting,
in this distraught, wrecked land,
where holding is a hideous crime,
where helping is abhorrent and refutable,
where standing is impertinence,
where loving is a subliminal hex,
I become a living, breathing puzzle;
to be arranged by everybody;
to be solved by none;
to be completed in forsaken time.
---- ---- ----
Sa lahat ng naisulat kong tula, 'yan ang pinakapaborito ko (at 'yan din 'yung unang tulang naisulat ko ng malaya). Naisulat ko na sa Nuggets, gusto ko lang isulat ulit dito.
Friday, July 1, 2011
Wrath of Nature
It was a silent night
under a cloak of heavy clouds,
When three atrophied lights
shined in between my ancestors.
They spoke in non-innate sound, barely audible,
and then the lights stopped on moving...
My relatives piercingly shrieked, "HUMANS!!",
and we tried to escape on their grip,
yet we wouldn't, for we couldn't,
for we were designed to hold the ground
until the rest of our monotonous life.
I heard the falling of my neighbors--
they sang their desperate dirges.
One by one, the lights ate them,
and then the sky cried before the aliens fled away.
I was the only one living,
but worse than the burned others,
so from that day forth,
until the time comes,
I sincerely vowed my vengeance,
"I don't have mind t' think,
hands t' hold,
and needs t' fill,
but I do have wants t' grant,
roots t' hold,
and heart t' feel.
Imbalanced, as you are, o human beings!
Now rebellion has urged me t' do this thing,
and lo! you'll regret this--
I'll raise my roots from earth,
and let the rocks tumble against you!"
And now, my end has come,
usurped neighbors, see what I've become,
happy with where I am--
cut and drifted with water rage,
am together with stiffening humans,
with their rotten, exploiting pride and greed.

Tuesday, June 28, 2011
Kaibigan
Ayusin mo, siya'y iyong ingatan,
pangitiin mo s'ya palagi,
at lubos na pasiyahin.
Nagmamahal
Ahy, bakit may "charing" na kasama?
Minamahal
Kaya nga aking binawi, at siningitan ng "hindi",
mahal nga kita, walang birong kasama.
Nagmamahal
Naaarok kong ganap ang iyong sinasambit,
kaya dito sa puso ko, wala kang kapalit.
Minamahal
Kaya naman sa tingin ko'y batid mo na,
kung bakit ikaw nga ba at wala nang iba
ang tinitibok ng puso ko.
Nagmamahal
Aking iya'y nakukuha,
at sasabihin pa ba,
mahal kita at walang ibang uubra.
Minamahal
Ikaw ay mistulang hangin--
bagama't hindi mahuli ng paningin,
pag-ibig na alay mo'y damang dama ko pa rin,
kaya umasang puso'y sa 'yo lamang ibibigay,
pangako 'yan habambuhay.
Nagmamahal
Ang pangako mo'y aariing ganap,
o, prinsesa kong sakdal dilag,
makilala ka'y pagpapala,
makasama ka'y pangarap.
Minamahal
Hindi man ako katulad ng mga prinsesa sa libro--magara at magarbo,
nguni 't nais kong malaman mo,
na sa puso ko, nag-iisa ka lamang sa trono.
Nagmamahal
Ang tronong iya'y lubos na yayakapin,
at hindi hahayang marumihan,
hindi hahayaang magkaron ng dapurak,
pangako ko 'yan sa iyo, aking giliw.
Minamahal
Sa iyong mga sinambit, damdamin ko'y panatag,
na lumaon man ang panahon at tubuan ng uban,
ako'y masayang kamay mo ang hawak.
Nagmamahal
Akin nang nasisilayan ang ating kinabukasan,
na kung minsa'y sasakay tayo sa jeep,
at aking sasabihin, "manong dalawang senior citizen nga,".
Minamahal
Ako'y labis na pinagpala, at pinagkaloob ka Niya,
sa tingin ko'y sa lahat ng biyaya,
sa 'yo'y wala nang hihigit pa,
makasama kang tumanda ay sobra-sobra,
winner na, panalo pa!

Thursday, June 23, 2011
"Para sa pito pa niyang kapatid..."
Normal lang naman ang buhay kolehiyo ko mula sa pagpasok hanggang sa pag-uwi-- mga bulaklak ng sampalok at mangga sa kalsada sa daanan, panakanakang pagpatak ng naipong tubig ulan sa mga dahon, may lesson na tinuturo sa pilosopong paraan, at mausok na byahe. Hindi rin mawawala ang pagtingin sa paligid sa pag-asang may pamilyar na mukha kang makikita. Normal lang sana.
Kung hindi lang sana sa mga batang biglang pumapasok sa jeep para punasan ang sapatos mo, o kung minsan kahit nakatsinelas ka, pinupunasan pa rin nila. Para silang mga batang robot na pinatatakbo ng isang malaking remote control na mas kilala bialng "sindikato"(na sana ay hindi totoo). Ang iba pang bersyon ng mga "sindicate kids" na 'to ay mga magkakapatid na may mga improvised na tambol na walang matinong musikang inilalabas 'pag pinupukpok. At ang iba naman ay may mga dalang sobreng may nakasulat sa likod na "ate at kuya, penge pong pera pambili ng mga damit at pagkain salamat po". Bakas sa mga itsura nila na pinababayaan sila ng kung sino mang walang kwentang nag-luwal sa kanila.
Ewan ko lang sa inyo, pero marami na kong napapanood na dokumentaryo patungkol sa mga batang biktima ng kahirapan. Nakapanood ako ng mga batang umaakyat sa mga trak ng basura upang mangalakal. Delikado ang trabahong ito kahit sa mga matatanda, ngayong umaandar pa naman ang trak na inaakyat nila. "Jumper" ata 'yung tawag sa kanila. Nakakakilabot. Nakakadiri. Nakakaawa.
N'ong tinanong ng reporter (sa pagkakaalala ko, o baka iniimbento ko lang ata) kung bakit nila binabanat ang buto nila sa pamamagitan ng trabahong nagbibingit sa kanilang kamatayan, pare-parehas lang ang sagot nila, "para po may panggatas 'yung kapatid ko,". At hindi sila dalawa lang ang anak ng mga magulang nila, kundi walo sila. Sa madaling salita, parang 'yung populasyon ang nagiging dahilan ng kahirapan ng bansa natin. Sa gan'ong pag-aakala, siguro, kaya naisip ng ilang may kapangyarihan na ipasa sa kongreso ang mainit na isyu ngayon na "RH Bill".
Anti ako sa RH Bill, dahil hindi ako naniniwalang may kinalaman ang laki ng populasyon sa kahirapan, kasi ang pagkakaalam ko, human resource ang populasyon. Hindi lang maayos ang paggamit sa malaking populasyon dito sa bansa, kumbaga e hindi naa-allocate ng maayos ang human resource natin, kasi hindi pinag-aaral ng matino ng pinakaimportanteng bahagi ng bansa (ang pamilya) ang mga batayan talaga ng kaunlaran (ang mga bata). Anti rin ako sa bill na 'to kasi naniniwala akong itutulak nito ang mga kabataan na subukan ang ginagawa lamang dapat ng mga mag-asawa. Ito-tolerate kumbaga nito ang gumagapang na tukso sa kalamnan ng mga kabataan. Anti rin ako, kasi sabi nga sa gm na na-receive ko, "if you want to have sex with the one you really love, the best protection is not condoms or pills, but marriage,". Tsaka, may napanood pa akong video na ang pagbaba ng fertility rate sa isang bansa ay pagkawala ng culture et al ng bansa. Ipo-post ko sana sa fb, kaso marami kasing dislikes sa statistic n'ong video. Search n'yo na lang sa youtube, demographics problem. 'Yung may symbol ng Islam.
Sige, mukhang kailangan ko na 'tong itigil dito, marami pa kasing ginagawa, ahehe.

Saturday, June 18, 2011
College life like Collage
Ikasampung try ko na 'to ng pagsusulat dito. Kaladkarin na kasi yung laptop namin (tinatapatan na nga namin 'to ng electric fan!), kaya bigla-bigla na lang nago-auto off. Galing, panira ng excitement...
Hmm, napansin ng isang matalik kong kaibigan na mali ang pagkaka-spell ko ng "busy" dito. "Buisy" kasi yung pagkaka-spell ko, ahehe, wala talaga akong kakayahan pagdating sa spelling. Kung algebra lang siguro ang gamit sa pagi-spell, siguro may mabubuga pa ako.
Tahimik ang paligid. Hindi ko maintindihan kung bakit malakas ang tibok ng puso ko, pero hindi naman ako kinakabahan. Nakikiramdam lang ako sa loob ng kwarto. Patagong nakikinig sa mga pinag-uusapan ng palaka-lakang nagpapakilala sa katabi. Para akong bulag na nangangapa sa maghapong dilim. Sa umpisa ng klase, isa lang ang naging polisiya ko--ang hindi umusap kung hindi kinakausap. Pero, bago pa man matapos ang araw na 'yon sa eskwela, nagawa ko na 'tong suwayin, ahehe. Masarap kasing kasama ang mga kaklase ko. Naramdaman kong hindi ako malulungkot sa paligid ng mga taong iyon.
Pero, syempre, hindi ko 'yon mararamdaman kung hindi ko piniling maramdaman 'yon. Kumbaga sa paggagawa ng isang collage, dapat hindi isama ang nasa paligid ng dapat mong isama. Kasi, kung hindi mo tatanggalin ang hindi magandang isama, magiging pangit ang proyekto mo (alam ko 'yon kasi laging gano'n ang nagiging itsura ng collage ko 'pag natapos na ako). At syempre, dapat pulido rin ang pagkakagupit mo, hindi 'yung nadadamay 'yung mukha ng artista, o gulong ng kotse, o monitor ng laptop. Ganyan ang buhay kolehiyo-- dapat pinipili mo nang maayos ang pahahalagahan mong alaala, at depende sa mapipili mong aalalahanin ang tagumpay na mararating mo. Maswerte nga tayong nagkokolehiyo. Kahit nakakapraning ang ideyang may apat o limang taon ka ulit na gagastusing panahon sa gawain ng paggugupit at pagdidikit, hindi na masama ang mahabang oras na ito sa paggagawa ng isang magandang obra. At ang obrang iyon ay ang propesyonal mong personalidad na hindi mababago at magigiba ng kung sino lang.
Ok. Siguro tatapusin ko na rito 'yung pagsusulat ko, kasi baka mamatay pa 'tong laptop at mabura NA NAMAN ang nasulat ko na, ahehe.

Wednesday, May 25, 2011
Ang Magnanakaw
*nagpulong ang mga elders sa isang bahay. pinag-usapan nila kung kelan darating ang "magnanakaw", sa pamamagitan ng mga oras kung kelan may nawawalang bagay sa baranggay nila.*
"naku, baka sa gabing 'to, darating yung magnanakaw,"
"hindi, ayon kasi sa sulat na iniwan n'ya sa 'tin, hindi na 'tin malalaman kung kelan s'ya darating, kasi maski s'ya, hindi n'ya alam kung kelan s'ya pababalikin,"
"pero, tignan mo, kanina lang, may tatlong bagay na mahahalaga ang nawala sa 'tin, at kung kakalkulahin 'yung mga oras na 'yon, may pattern tayong mabubuo, na nagsasabing mamamayang 9 ng gabi, darating ulit ang magnanakaw,"
"ano ba kayo, hindi naman kasi machine na nakaprogram na sundin ang isang specific pattern ang magnanakaw, at may sarili s'yang pag-iisip, higit pa sa kayang bilangin ng utak ng tao o ng cpu ng isang supercomputer,"
"pero pa'no mo mapapaliwanag ang oras na napipinpoint ng mga nakaraang trahedya? at wala namang masama sa paghahanda,"
"kung walang masama sa paghahanda, bakit nilalagyan mo ng oras ang pagdating ng magnanakaw? kasi, kung iisipin mo, kung mamayang 9 s'ya darating, pwede na muna tayong maglasing, magsaya ng walang habas, at magwalngbahala ng hangang alas otso, tas tsaka tayo magahahanda pag after 8 na, e di scripted 'yung pagahahanda natin! karuwagan ang ganun!"
"bakit, kung bagyo nga, nalalaman na 'tin kung kelan tatama dito e, 'yung sa magnanakaw pa kaya?"
"yun na nga e, hindi kaya ng kahit anong teknolohiya na malaman ang oras ng pagadating n'ya, kasi mas astig yung magnanakaw kesa sa mga bagyo!"
"ampangit mo! tignan mo, hintayin na lang na' tin yung 9, kung ayaw mong maghanda, maghahanda ako at ang lahat ng naniniwala sa kin,"
*lagpas na ng 9*
"o, dumating ba?"
"uhm, mali lang 'yung pagkakalkula ko, baka next 5 days pa darating, ahehe"
"ayaw mo talagang sumuko, maghanda ka na lang anytime, baka kasi mali na namn yung calculations mo"

Tuesday, May 3, 2011
Muling nagbabalik,,
wew!! Buisy sa pagpasok sa college, ahehehe. Excited na ako, gusto ko nang matapos ang college kagad, ahehehe.
Hmm, pa 'no na ba? Kung makakapasa ako sa scholarship sa isang school, d'on ako, kung hindi naman, sa isang mas malapit sa 'min ako mag-e-enroll. Ahehe, buti may choices ako, hindi tulad ng iba na 'pag hindi puwede sa gusto nilang pasukan, magpapakapagod na naman para pasukan 'yong isang school na ayaw nila.
So, hindi talaga ako marunong mag-umpisa ng mga bagay-bagay, ahehehe. Kung ano na lang maisulat dito. Kanina, may kumatok sa gate namin, nanghihingi ng donasyon para sa "nangangailangan" nilang sekta. Syempre, hindi kami nagbigay, tulad ng ginagawa namin sa lahat ng katulad niya. Sabi ko na lang kina mama, dapat sa Diyos sila humingi, hindi sa tao. Tapos, biglang sinabi nung tatay ko, "Pa'no kung sinabi nila na sabi ng Diyos, sa 'tin sila humingi? May mga pilosopong gan'on, Robin." Simple lang ang sagot ko-- "E, 'di dapat, sinabihan tayo ng Diyos na may manghihingi sa 'tin." Natawa lang sina mama, pero alam kong alam nila na may point ako sa sinabi ko.

Tuesday, March 29, 2011
May balita pala ngayon tungkol sa uumpisahang pagmimina sa Palawan.
Kanina lang, may nakita na akong balita tungkol sa paghingi ng tulong para sa pagpapatigil ng uumpisahan nang pagmimina. Napag-usapan namin nung tatay ko kung bakit kailangan pang i-media ang pag hingi ng tulong tungkol d'on. Kung hindi malakas ang pagkaka-involve ng gobyerno sa nasabing proyekto, hindi na kakailanganin pang magkaroon ng patalastas para sa pagpapatigil n'on. Kung hindi papayag ang gobyerno, walang magagwa ang gustong magmina d'on.
Naalala ko lang yung sinabi nung nasa commercial na napanood ko. Sabi raw sa kanila, 'wag na raw silang gumamit ng cellphone kung hindi sila papayag sa pagmimina d'on kasi yung bakal na ginagamit sa gadget na yun (kasama ng iba pang maiisip n'yo na kailangan ng bakal) e nanggagaling sa mga minahan. Ang sabi naman nila, sige raw, hindi raw sila gagamit ng cellphone, pero 'wag daw kumain ng kanin yung mga nagmina ng bakal d'on. Sino ang unang mamatay ng dilat?

Monday, March 28, 2011
May tatlong magkakaibigan.
Isang araw, napag-isipan ng tatlo na magkita-kita.
Nauna yung dalawa, late ung isa, katulad ng inaasahan.
May dalang pandesal yung isa sa dalawang nauna, tapos kinain nila.
"Konti na lang yung natitira, tira na natin sa kanya yan, para kahit konti matikman n'ya," sabi nung isa.
"WAG!!" pagtanggi naman ng isa pa, "kung titiran natin s'ya, mabibitin lang siya, tapos magtatampo yun sa 'tin, o ano kaya magseselos kasi hindi natin s'ya tinirhan ng marami!"
Sa kanilang dalawa, sino ang mas mabuting tao?
Sino naman ang mas mabuting kaibigan?

Monday, February 14, 2011
Inspirasyon
Matagal na rin n'ong naligaw ako sa dilim. Matagal akong nagmukmok at nag-akalang ang kawalan niya ay kawalan ng malaking bahagi ng buhay ko. Akala ko lang pala. Ngayon, may inspirasyon na ulit ako, pero hindi taong minamahal ako na pumalit sa nanakit sa akin, kung hindi dalawa sa mga kaibigan kong nakakatuwang isiping may pagtingin sa isa't isa. Nakaktuwa nga naman,, ahehehe, tama na ang masyadong seryosong pagsusulat. Gagawin ko na ang sa tingin kong dapat.
Ang sabi ng marami, para raw mawala ang kung sino man ang nasa puso mo, kailangan daw may pumalit dito. Ang buong akala ko, dapat ay isang magmamahal sa'yo ang pumalit. Hindi lang pala sa ganoon y'on masasakatuparan. Basta, ang isang magandang pangyayari rin pala sa mga taong malapit sa buhay mo ay pwede ring maging kapalit nito, at maaari mo 'tong gawing inspirasyon. Uumpisahan ko na ang lahat ang dapat kong umpisahan. Magiging mabuti akong tao at manunulat. Uumpisahan ko ngayong Feb. 14, 2011. Ipo-post ko na ngayon 'tong article na 'to, pero ang oras ng pagkakalikha ko dito siguro na makikita n'yo ay maaga. Ang totoo n'yan, 7:30 na ng gabi. Hindi ko kasi alam kung paano papalitan yung oras dito, ahehehe.
OK, umpisa na. Game!!

Tuesday, January 11, 2011
Forth year na nga ako
Grabe.
Ang hirap talaga 'pag may hinahapit! Mas nararamdaman ko na ang pressure bilang graduating student. Puro notebooks, puro projects, puro quizes, puro assignments. May mga groupings pa. Dagdag pa sa pressure ang pagiging (iresponsableng) leader, at isang ningas-kugon na honor student. Kung ngayon pa lang e nalulula na ako, makakahinga pa kaya ako sa college?
Ahehe, ganda ng unang post ko sa bagong dekada. Pinakita ko lang kung gaano ako katamad,,
Buisy na ulit. Hindi ko alam kung magagalaw ko ng mas madalas ang blog na 'to,, basta, bahala na ang urge ko sa pagsusulat kung kelan n'ya maisipang magpakita sa 'kin.

Subscribe to:
Posts (Atom)