Nag-umpisa ang lahat sa pagpapakilala sa akin ng ate ko sa isang manunulat. Maganda raw 'yong mga sinusulat n'on, astig. Unang banggit n'ya sa akin ng pangalan n'on, pumasok sa isip ko ang imahe ng isang matandang singkit, naka-orange na damit, at naghihimas ng mahaba, maputi at tuwid nitong balbas. Pero, Pinoy daw y'on, hindi chinese. Si Bob Ong. simula nung nakapagbasa ako ng libro nya (Stainless Longganisa), naisipan ko na ring magsulat. Kaso, ang problema, parang ayaw sakin ng pagsusulat. Habang nagsusulat ako ng mga tula o essay ko, pakiramdam ko kumakanta ako nang wala sa tono. Kaya naisipan kong hasain ang talento ko sa pagsusulat, kung meron man.
Nabanggit na rin naman ang tungkol sa talento, naalala ko yung isang kwento sa Bible na tungkol sa isang master at sa tatlong tagasilbi n'ya na iniwan nya ng mga talento. Natatawa ako. Pati pala ang Bible, apektado na rin ng chismis. Marami na kasi akong naririnig, kadalasan sa mga pang showbiz na palabas sa t.v., na kailangan daw gamitin ang mga talentong binigay ng "nasa itaas" at hindi itago. Napaisip tuloy ako, ano bang akala nila sa "talent" na nabanggit sa Bible, yung talent ba na inborn skill? Binasa ko ulit ang "Holy Bible (N.I.V.)" dun sa part na 'yon, at nakita ko sa baba ang isang note na "a talent is more than 1000 dollars". Ang binanggit sa Bible na talent e pera, hindi kung ano man. Kung mali man ako, o ang nabasa ko, pakitama ako. Kasi, kung tama ako, marami nang nabulag sa kung ano ba talaga ang ibig-sabihin ng Bibliya sa Talentong 'to.
(Balik sa essay) Para mahasa ako sa pagsusulat, sumali ako sa official publication ng school ko (Nuggets). Syempre, sa una, ayaw ko pa (medyo nagpapakyut pa ng konti sa 'kin y'ong utak ko), pero, dahil isang magandang pagkakataon 'yon para makapaglaro ako ng DotA, nag-try ako. Ang kulit nga ng essay ko d'on e, gandang-ganda ako! Basta, sinabi ko d'on na magugunaw ang mundo pero "not through water again, but through fire". Nasa Bible y'on e, kung di ako nagkakamali, sa first o second book ni Peter. Basta, d'on ko naramdaman na may galing ako sa pagsusulat kahit papaano. Kaya pinagpatuloy ko. Ang isa pa nga palang nagtulak sa 'kin sa pagsusulat e kuya ko. Ang gaganda RAW ng tula ko, kaya dapat ilahad ko 'yon sa Nuggets. E si kuya pa naman ang tipo ng tao na pagtinanong mo, ang sagot lang lagi sa 'yo e "ok lang..."o ano kaya, "ayos lang". Bihira mo 'yon mariringgan ng "Ang ganda! Astig!".
Nabanggit ko na rin naman ang tungkol sa mga kapatid ko, sasabihin kong ilan sila sa mga dahilan kung bakit nakakatulong ako sa mga tao ngayon pagdating sa mga problema nila. Ang totoo n'yan, pati si mama at si dadudz (tawag ko 'to sa tatay ko), naging malaki ang apekto sa pagsusulat ko. Naging triggering factor lang si Bob. Pilosopo kuya ko. Matalino naman ang ate ko. Palatawa ang mama ko. Mainitin naman ang tatay ko xD pero astig magpatawa. Ahehehe, basta. Kung malaki man ang epekto ng mga nakakatanda sa pinakabatang myembro ng pamilya, nagpapasalamat akong nasa pamilya ako na binabalanse ng kanya-kanyang ugali ng mga myembro nito.
No comments:
Post a Comment