"Bakit ba gan'on si papa? Nakakainis s'ya. Apektado na rin si mama. Nakikita ko si mama tuwing gabi, umiiyak habang binabasa ata 'yong mga messages ni papa sa kanya, bago s'ya biglang magpakasal sa ibang babae. Bakit s'ya gan'on?"
'Yan ay isang edited na sinabi sa 'kin ng isang masayahing kaibigan. 'Di ko na kasi matandaan pa 'yong mga talagang sinabi n'ya, pero parehas lang naman ng thought. Basta, ang istorya, 'yong papa n'ya, pumayag na magpakasal sa ibang babae para makapag-aral ulit. Para rin naman daw 'yon sa kanila, para rin daw sa kanyang kinabukasan. Grabe, hindi ko s'ya nabigyan ng maganda-gandang payo, kasi umiiyak s'ya n'ong mga panahong binubuksan n'ya sa 'kin 'yong topic na 'yon! (Ewan ko lang ano, pero weakness ko talaga ata 'yong umiiyak na babae,, xD). Kaya naisipan kong isulat na lang dito, para 'pag nabasa n'ya 'to, parang pinayuhan ko na rin s'ya, 'yon e kung mababasa n'ya.
Alam mo, limitado ang utak ng tao para makapagdesisyon ng tama palagi. Hindi laging rational ang gawa ng kahit sinong tao. Kaya, kung sa palagay mo e mali ang ginawa nito sa 'yo, baligtarin mo na lang ang mga pangyayari (sa sarili mo lang huh). Kung masama 'yong nakikita mo, pilitin mo na lang 'yong sarili mo na isipin kung ano ang magandang mangyayari mula sa isang maling hakbang. Hindi kita mapipilit na isiping "ayos" lang ang ginawa ng tatay mo, kasi kung mangyayari man sa 'kin 'yan, hindi lang siguro pag-iyak ang gagawin ko, pero 'yon lang ang tanging paraan para lumuwag ang damdamin mo. Tandaan mo, kung naubos man ang kalahating laman ng isang inuming baso, mayroon pa ring kalahating natitira. Sinabi na sa 'yo ng papa mo na para rin naman 'yon sa kinabukasan mo. Kaya, tanggapin mo na lang na para nga 'yon sa 'yo. Kung 'di mo matatanggap 'yon, magagawa mo ang pinaka-unang kasalanang nagawa sa mundo--ang pagrerebelde. Kung hindi ka man magrebelde, magsisinungaling ka lang sa sarili mo, kaya, mahihirapan ka lalo. Basta, ang unang paraan para mabuhay ka ng payapa at masaya e tanggapin ang mga bagay-bagay sa mundo, kahit hindi 'to katanggap-tanggap.
Ahenks, ang pangit ko magpayo sa blog,, ahehehe. Pero, masasanay din naman siguro ako.
Sira ang cellphone ko, badtrip,,
No comments:
Post a Comment