Monday, October 27, 2014

Hi

Hi. Nakakalungkot na isang taon ko na palang hindi nalalagyan ng post 'tong blog na 'to. Bakit pa? Wala namang nagbabasa.
Tapos bigla kong naalala na hindi nga pala para sa mambabasa kaya ako nagsulat dito. Pero wala e, tinamad na talaga ako. Ayoko na. Last post ko na 'to.
Hi. Paalam. :), naging masaya ako sa pagsusulat dito. Naiiyak ako, ahahaha. Pakiramdam ko ang dami kong pagkukulang.

Tuesday, October 15, 2013

Contradiction Overload

Magaling akong magsulat pero tinatamad akong magsulat.
Gusto kong kumanta pero ayaw naman ng boses ko.
Magaling akong magmahal pero ang selfish ko.
Ayoko nang mag-aral pero pasado pa rin ako.

Saan na ako pupulutin?
Ang buhay ko, umiikot taliwas sa mundo.
Pero, selfish ako, kaya naniniwala akong mundo ang umiikot taliwas sa'kin.

Sa sampung daliring nakadikit sa kamay ko,
may tig-iisang kuko.
At mahal ko ang aking buhay, kung hindi ka nakakaintindi.

Gusto kong magmura pero ayaw ko sa mga nagmumura.
At, hindi ako nagmumura kahit ayaw ko sa sarili ko, kasi nagmumura ako.
At, yun lang ang tangi kong gusto.

Dapat ang tula, sa huli lumilinaw.
Hindi 'to para sayo, pero ang tanga mo.

Wednesday, September 11, 2013

Kapag puno na ang salop, dapat nang kalusin

naiinis na tlaga ako. bakit hinahayaan mo lang na may yumakap sayo? na hindi lang basta yakap, kundi clingy pa? naiinis na ako. selos, oo naman. pakiramdam ko e hindi lang yakap ko ang kailangan mo, pero yun naman tlaga siguro, wala na akong magagawa, pero naiinis na talaga ko. pag ako napuno, tupa, wala na. kaunti na lang. pauulit ulit kong sinasabing nasasaktan ako pag gumaganun ka sa kaniya pero tuloy ka pa rin, wala na tlaga.


minsan umaayaw na ako.



erp malulungkot ako. hanggang kelan ka ba ganyan? hanggang kelan ako tatagal?

anong pang kalos gagawin ko? kalmitan ka? tae, ayoko na, sakit na ng ulo ko,